^

Pang Movies

Elle, nanggaling sa toxic relationship

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Elle, nanggaling sa toxic relationship
Elle

Inamin ng Makiling actress na si Elle Villanueva na dumaan siya sa isang toxic na relasyon kaya naman right timing daw ang pagdating ng aktor na si Derrick Monasterio sa buhay niya.

Sobrang intense at traumatic daw talaga ang nangyari sa kanya sa past relationship niya at ayaw na raw niyang idetalye, pero matagal daw bago pa siya nakaalis doon.

Nasa pitong taon daw bago sila nakaalis dahil pabalik-balik siya. Nagsawa na nga raw ang mga kaibigan niya dahil sa ginawa niya.

Nahirapan siya sa cycle kaya kinailangan niyang itigil dahil hindi raw siya naggo-grow kung paulit-ulit lang.

Laking pasasalamat ng dalaga na nakaalis siya sa relasyon na iyon at hindi rin daw niya inaasahang magagawa niya iyon.

Pinagdasal din niya na sana sa susunod niyang relasyon ay hindi na siya masaktan ng ganon ka-intense.

Hindi rin naman daw naging madali dahil pagkatapos daw nu’n ay nahirapan na siyang magtiwala ulit kaya natagalan bago sila magkaaminan ng karelasyong actor.

Sa kasal na kaya ang tuloy nila? Bongga.

Sana naman.

ELLE VILLANUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with