Derek at Ellen, hinihintay kung nakagawa ng baby sa Antarctica

Derek Ramsay at Ellen Adarna

Tinupad ni Derek Ramsay ang isa sa mga pangarap na marating ng kanyang wife na si Ellen Adarna, ang Antarctica, the least populated continent.

Pero nakagawa na kaya silang ng bagong baby doon?

Magmula nang ma­ging couple sina Derek at Ellen ay panay ang travel ang dalawa na kadalasan ay kasama nila si Elias, ang five-year-son ng actress sa kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Bukod sa Antartica, the couple has been to other countries tulad ng Tanzania, South Africa, Spain, Peru, Norway, Bolivia, at iba pang lugar.

Although nakagawa ng isang movie si Derek nung nakaraang Metro Manila Film Festival, ang K(ampon) na pinagtambalan nila ng bestfriend ni Ellen na si Beauty Gonzalez, mas naka-focus ngayon ang actor sa kanyang pribadong buhay.

He is on a semi-retired pagdating sa kanyang showbiz career gayundin si Ellen.

Since nagka-miscarriage si Ellen sa kanilang first baby sana ni Derek nung isang taon, patuloy pa ring umaasa ang mag-asawa na sila’y mabibiyaan ng sarili nilang anak.

Si Derek ay may 19-year-old son na si Austin sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly.

Dennis, matagal hinintay ang text ni Julia

Naging emotional ang actor-comedian at dating politician na si Dennis Padilla nang makatanggap siya ng birthday message sa kanyang panganay na anak sa kanyang second ex-wife na si Marjorie Barretto na si Julia Barretto last February 9 on his 62nd birthday.  Matagal na kasing panahon na wala umano silang komunikasyon ni Julia gayundin ang dalawa pa niyang anak kay Marjorie na sina Claudia at Leon.

Kahit hindi umano niya nakikita at nakakasama ang kanyang tatlong anak, gusto niyang iparating sa mga ito na mahal na mahal umano niya ang mga ito and he is just a text or call away sakaling naisin nilang makausap o makita siya.

Sa press conference ng kanyang latest movie, ang romantic-comedy-drama movie na When Magic Hurts na siyang launching movie ng bagong magka-loveteam na sina Mutya Orquia at Beaver Magtalas, inamin ng actor-comedian na sobra umano siyang natuwa sa birthday greetings ni Julia and he became teary-eyed nang ito’y kanyang matanggap.

“Sobra ko na siyang (Julia) nami-miss at mga kapatid niyang sina Claudia at Leon,” pag-amin pa niya.

Si Dennis ay may pitong anak sa tatlong magkakaibang babae, dalawa sa kanyang unang misis na si Monina Gatus na sina Dianne (33) at Luis (32), tatlo kay Marjorie at dalawa naman sa kanyang present partner, ang Fil-Australian na si Linda Gorton na sina Gavin at Maddie.

May isa rin siyang step-daughter kay Linda, ang 19-year-old na si AC kaya parang walo na rin ang kanyang mga anak.

Pangarap ng actor-comedian na maging close sa isa’t isa ang kanyang mga anak kahit magkakaiba ang kanilang mga ina. “Magkakapatid pa rin sila,” aniya.

Dennis plays the role of Anton na isang gay sa pelikulang When Magic Hurts na sinulat at pinamahalaan ni Gabby Ramos mula sa kuwento at konsepto ni Angel Gwenavere.  Ito’y nagsisilbing reunion project niya sa kanyang dating sister-in-law na si Claudine Barretto na close umano sa kanya.

Show comments