Tamang panahon para uminom ng tubig

AYON sa isang research, ang pag-inom ng tubig sa tamang panahon ay nagdudulot ng mas malaking benepisyo tungo sa magandang kalusugan.

• Pag-inom ng isang basong maligamgam na tubig ­pagkagising sa umaga: Pinasisigla ang internal organs.

• Pag-inom ng isang basong tubig 30 minuto bago kumain ng tanghalian at hapunan: Nagiging mabilis ang pagtunaw sa pagkain. Naiiwasang sumobra ang kakainin dahil nabusog na ng tubig, kaya maliit ang tsansang tumaba.

• Pag-inom ng isang basong tubig bago maligo: Nakakatulong sa pagpapababa ng mataas na blood pressure.

• Pag-inom ng isang basong tubig bago matulog: Malaki ang tsansa na maiwasan ang stroke or heart attack.

• Uminom ng tubig kung nakakadama ng gutom. Pang-testing kung nauuhaw lang pala at hindi nagugutom.

• Uminom ng tubig bago mag-workout para maiwasan ang dehydration.

• Uminom ng tubig pagkatapos ng workout para mapalitan ang liquid na nawala sa katawan dahil sa pagpapawis.

• Uminom ng tubig kapag nilalagnat.

• Uminom ng tubig kapag nakakadama ng pagod.

• Mainam na uminom ng tubig kapag may migraine.

Show comments