Anak ni Ate Vi, iniiyakan pa rin

Ate Vi (Vilma Santos)
STAR/ File

Tahimik ang labas ng St. Paul’s University Quezon City kahapon.

Parang walang nangyayari. Pero sa loob nagkakagulo pala ang mga estudyante dahil sa gaganaping Cinema Icons ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Tampok ang screening ng pelikulang Anak ni Ate Vi (Vilma Santos) at ng Star Cinema.

Halos dalawang oras bago nagsimula ang screening ng pelikula, puno na ang James Reuter auditorium ng unibersidad na halos kasing laki na ng isang commercial cinema house.

Ang mga nanonood ay mga estudyante mula sa iba’t ibang Catholic schools, mga kritiko at tagatangkilik ng pelikulang Pilipino.

Bago ka makapasok, kailangang registered ka muna na ginagawa sa pamamagitan ng website ng CCP at ng St. Paul’s Quezon City na siyang nagho-host ng CCP Cinema Icon, at CCP Lakbay Sine.

Pinipili nila ang mga pelikulang itinuturing nang klasiko para mapanood ng mas batang henerasyon at mga nakababata ring mga kritiko ng pelikula. Ito ay bilang bahagi ng kanilang kampanya para mapabalik ang mga tao sa panonood sa mga sinehan.

Nang pumasok si Ate Vi sa auditorium ay agad siyang sinalubong ng malakas na palakpakan at tilian.

Naroroon din para sumali sa panel ang national artist na si Ricky Lee at ang optimum star na si Claudine Barretto na napakaganda rin kahapon.

Sinagot ni Ate Vi nang maliwanag ang lahat ng mga tanong, kaya nga sinasabi nilang marami silang natutuhan mula kay Ate Vi ng hapong iyon.

May mga nag-iiyakan pa hanggang sa labas dahil ngayon lang daw nila na-realize ang matinding sakri­pisyo ng kanilang mga magulang na OFW.

On the second thought isipin ninyo ang epekto ng cinema Icons ng CCP sa mga nanonood ng mga klasikong pelikula.

Dominic, nilalaban ang karapatan

Nang umalma si Dominic Roque sa mga tsismis laban sa kanya, binanatan na naman siya ng mga bashers-vloggers, sa pagsasabing, “hindi pa siya ka­sing sikat ni Bea Alonzo, tapos balat sibuyas pa siya.”

Hindi kami sa kani-kanino pero wala naman yata sa katuwiran iyong dahil hindi pa gaanong sumisikat ang tao ay wala siyang karapatang umangal sa mga paninira sa kanya. Maski na sinong tao maaaring magalit at maaaring humingi ng katarungan laban sa mga naninira ng kanilang pagkatao.

Bagama’t sinasabi rin naming may ruling nga ang korte suprema noon pa man na ang mga public property na kinabibilangan ng mga pulitiko at mga artista man ay “hindi dapat na balat sibuyas” dahil sa kalayaan ng pamamahayag ng iba. Kinikilala pa rin ng korte ang karapatan ng mga biktima ng abusadong pamamahayag. Walang may lisensiyang manira ng kanyang kapwa tao.

Veteran reporter, pinagkakakitaan ang mga pogi sa mga kaibigang bading

Huwag ninyong gagayahin ang talent manager na ito. Pinagsasamantalahan ng bading na talent manager ang mga alaga niyang pogi. Given na iyon dahil ang mga alaga niya ay pogi at bading naman siya. Pero ang masama ipinapasa pa niya ang mga talent niya sa ibang bading at pinagkakakitaan niya. Ang term pang ginagamit nila ay “mag-pampam ka muna.”

Hindi lang naman daw ang talent manager na bading ang gumagawa niyan. May nagsabi sa amin na isang veteran reporter na babae ang gumagawa rin ng ganyang trabaho.

Pera kapalit ng karangalan? Immoral iyan.

Show comments