Dr. Vicki at Hayden, sinupalpal ang mga judgmental

Hayden at Dr. Vicki

Alam n’yo ba na isang love story na hangang-hanga ako ay ‘yung kina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.

Imagine mo ang naging reaction ng lahat noon at humula na hindi magtatagal ito, pero hanggang ngayon happy together pa rin sina Dra. Vicki at Dr. Hayden.

Talagang nalagpasan nila ang lahat ng sinasabi ng mga tao, at ngayon makikita mo na talagang lalo pang tumibay ang pagsasama nila.

Kaya naman talagang hindi mo puwedeng husgahan ang damdamin ng tao.

Hindi mo puwedeng sabihin na hindi magiging maligaya ang sinuman dahil it will be their choice.

Sila talaga ang puwede lang mag-decide how far they can fight for their happiness.

Kaya nga congrats, Dra. Vicki and Dr. Hayden, inspirasyon talaga sa lahat ang inyong pagmamahalan.

Show comments