Pang-iisnab kina Boyet at Christian, ‘di pa tapos ang isyu

Boyet

Nagtapos na ang kauna-unahang Manila International Film Festival sa Hollywood, USA nung nakaraang Feb. 2, 2024 (Feb. 3, 2024 sa Pilipinas) pero nag-iwan ito ng kontrobersiya hindi lamang among the Filipinos in the West Coast kundi laluna sa Pilipinas matapos balewalain ng inampalan ng MIFF ang  Filipino veteran and award-winning dramatic actor na si Christopher de Leon maging ang isa pang award-winning actor na si Christian Bables na hindi man lamang nabanggit for nomination bilang Best Actor representing their own movies as lead actors for When I Met You in Tokyo (for Boyet) and Broken Hearts Trip (for Christian). Maging ang Best Supporting Actor (for the movie Mallari) na si JC Santos sa Metro Manila Film Festival ay hindi rin na-nominate sa kauna-unahang MIFF. 

Maging ang nanalong Best Child Actor sa MMFF na si Euwenn Mikaell for Firefly was not also mentioned sa MIFF.

Wala namang kaso ang hindi sila ang choice ng jurors ng MIFF para manalo ng parangal pero sana’y binigyan man lamang sila ng importansya during the awards night na ginanap sa prestigious Director’s Guild of America in Hollywood, USA sa pamamagitan ng nominasyon.

Ang LA-based elder sister ni Boyet na si Pinky de Leon and her daughter was also surprised sa pang-i-snub ng MIFF jurors kay Christopher.

Marami ring kategorya sa taunang Metro Manila Film Festival in the Philippines ang hindi rin isinali ng MIFF tulad ng Best Child Actor, Best Production Design, Best Theme Song, Best Editing at iba pang technical categories.

Nagtugma lamang ang MMFF at MIFF winners sa Best Picture para sa pelikulang Firefly maging sa Best Actress winner na si Vilma Santos for the movie When I Met You in Tokyo na siyang reunion movie nina Vi at Boyet sa loob ng maraming taon.

Kung ang baguhang actor na si Cedrick Juan ang nanalong Best Actor (for the movie GomBurZa) sa MMFF, sina Piolo Pascual (ng Mallari) at Dingdong Dantes (ng Rewind) naman ang nag-tie for Best Actor sa MIFF. Nang i-announce ang Best Actor winners, tumayo naman si Alden Richards at hindi na nito tinapos ang seremonyas.

Maituturing na successful (in terms of attendance) ang kauna-unahang Manila International Film Festival pero medyo naguluhan kami sa flow ng programa ng awards night. Na-overwhelm din ang nasa reception sa rami ng dumalo kaya naging loose ang kanilang coordination laluna sa setting arrangements kung saan halos walang maupuan sa bandang unahan ng theater ang actors, filmmakers, directors and other VIP guests from Manila.

Although understandable na nanganganay pa ang 1st MIFF, sana i-note down nila ang kanilang flaws this year nang hindi na ito maulit sa kanilang pangalawang taon o sa darating pang mga taon.

Show comments