Nilantad ng Lovers & Liars actor na si Christian Vasquez ang tungkol sa natanggap niyang indecent proposal.
Ikinuwento nito na nakatanggap siya ng offer kung saan sinasama siyang mag-videoke kapalit ng malaking halaga.
Naaalala raw niya na may nagpadala ng mensahe sa kanya at tinatanong kung magkano raw kung kukunin siya para sa isang birthday party.
Hindi naman daw niya alam kung seryoso ito o hindi kaya tinanong niya ito kung ano ang gagawin niya.
Nagtataka raw kasi siya sa ibabayad sa kanya makasama lang siya.
Malaki-laki raw ang offer kaya hindi siya naniniwala dahil sa edad daw niya ay pang-bargain na lang siya at hindi na pangmalakihang offer.
Kaya sinagot daw niya at tinanggihan. Sinabi niyang maaga siyang natutulog kaya hindi siya nito mapapakinabangan ‘pag nag-videoke sila.
Alam naman daw niyang may laman ang alok at malinaw na malinaw raw ito sa kanya. Pinatutulog pa raw siya sa bahay nito.
Ang bongga naman pala ni Christian na aniya kahit pang-bargain na ay nakakatanggap pa rin pala ng indecent proposal sa kabila ng kanyang edad.