Natawag ang aming pansin sa isang comment na nabasa namin. Mukhang lalo raw nagiging maingat ngayon sa pamimili ng projects na kanyang gagawin si Vilma Santos.
Kung noon daw napakatagal niyang gumawa ng desisyon, which is understandable dahil busy siya sa kanyang political career, ngayon kahit na wala siyang ginagawa ay ganoon pa rin daw.
Nagtatanong sila, bakit nga kaya eh hindi naman siya masyadong busy?
“Una, I have been in the business for sixty years. Tapos 23 years pa akong natali dahil sa public service. Sa loob ng mahabang panahong iyan, halos wala akong oras para sa pamilya ko. I have to admit na nagkaroon ako ng pagkukulang sa mga kapatid ko, kahit na sa mga anak ko. Siguro masasabi kong ginawa ko naman ang lahat ang trabahong iyon at nakatulong naman hindi lang sa akin kundi sa kanila rin, lalo na nga para sa kinabukasan ng mga anak ko at apo. Pero nagkulang ako ng panahon para sa kanila. I did not only deprived them of my time. I deprived myself noong chance na maka-bonding sila,” aniya sa isang nakaraang interview namin.
Bakit naman sinasabi nila, napakabagal niyang gumawa ng desisyon kung ano ang kasunod niyang project after the success of When I Met You inTokyo?
“I don’t work for the money anymore, ang hinahanap ko ngayon iyong basta ginawa ko magiging happy ako.
“Totoo iyong sinasabi nila, natatambak sa akin ang scripts, magagandang offers na siguro kung noong araw iyan tinanggap ko ng lahat. Pero sabi nila, why did I accept Tokyo..., bago ang producers, bago ang mga directors ko. To be honest, kasi si Boyet (Christopher de Leon) ang naglapit sa akin ng project na iyan. Knowing Yetbo, hindi naman iyan tatanggap ng trabahong alanganin, so nandoon ang confidence ko.”
Katwiran niya pa ay sixty years na siyang artista, “At iyon lamang hanggang ngayon pinanonood pa ako ng mga tao at kumikita pa ang mga pelikula ko, iyon lang nakikita kong nariyan pa ng mga Vilma, masaya na ako.
“At noong nakita ko na ang mahabang pila sa mga sinehan, hindi lang sa amin kundi sa lahat ng pelikula, ang saya-saya ko na.”
“Movies naman, talagang bibigyan ko na ng panahon iyan. I have to admit, inspired ako nang makita ko ang Vilmanians, most of them have been there since 1963. Tapos makikita mo, iyong hindi pa tao noong 1963, kasama rin nila. For all of them I will be making movies pero ang gagawin ko iyong alam kong magugustuhan nila, iyong masisiyahan sila, everybody happy. Hindi malulugi ang mga producer. Hindi malulugi ang mga sinehan, at ang mga kapwa ko artista malaki man o maliit at iba pang manggagawa ay magkakaroon ng disenteng hanapbuhay kagaya noong dati,” patapos na pahayag ni Ate Vi.