Meant to be na magsama bilang mag-asawa sina John Prats at Isabel Oli. After 9 years and three kids, marami pa raw sila nadidiskubre sa isa’t isa.
Sey ni John na sobrang blessed siya kay Isabel na mahinhin noong nililigawan niya. “Before ko siyang ligawan akala ko mahinhin. Nagtagal ‘yung relasyon namin, sobra siyang baliw and s?ra ulo in a good way. Sabi ko, from then on... Okay ito kasi siyempre I’m gonna spend my whole life with this person. Never boring,” tawa pa niya.
Sey ni Isabel: “Seryoso pala siya. Kasi parang chickboy ‘yung dating niya kasi. Seryoso and really sincere.”
Hindi raw perpekto ang pagsasama nila dahil tulad ng ibang mag-asawa ay mga pagsubok na dumarating sa kanila. Ang maganda raw ay maayos nila itong napag-uusapan.
“Meron talaga. Sabi ko nga, it’s not really perfect, we choose always love. And to forgive agad,” sey ni Isabel.
“Everyday may bagong pagsubok. Moving and moving forward and we’re discovering things. Minsan mahirap, siyempre wala namang madali. Even sa parenting. Set ego aside... Si Liv talaga ‘yung pinaka-forgiving na tao,” diin ni John.
Sa mensahe nila sa isa’t isa, pareho nilang sinabi na pipiliin pa rin nila ang isa’t isa sa next lifetime.
Geneva, magpapagawa ng rest home
Si Geneva Cruz ang bagong papasok sa cast ng top-rating medical drama series ng GMA na Abot -Kamay na Pangarap. Gaganap siya bilang si Irene Benitez, ang una at legal na asawa ni Dr. Carlos Benitez, na ginagampanan ni Allen Dizon.
Magiging abala rin si Gen dahil sa kanyang pre-Valentine Queen of Hearts concert sa Olongapo.
Nai-share din ng 47-year old singer-actress na plano niyang magpatayo ng rest home para roon sila magbakasyon ng dalawang anak niyang sina Heaven at London.
Gusto ni Gen ay sa bundok para close to nature.
Reba McEntire, pinaluha ang mga nanood ng Super Bowl
Pinaluha ni Reba McEntire ang maraming um-attend sa opening ng 2024 Super Bowl sa Allegiant Stadium in Paradise, Nevada.
Ang 68-year old Grammy-winning country superstar ang umawit ng national anthem na The Star-Spangled Banner.
Ang one minute and 35 seconds na pag-awit ng national anthem ay na-practice raw ni Reba habang naliligo at sa loob ng kanyang sasakyan.
Kabilang na si Reba sa mga singers tulad nila Chris Stapleton (2023), Pink (2018), Lady Gaga (2016), Beyoncé (2004), Mariah Carey (2002) and Whitney Houston (1991) na napiling umawit ng national anthem.