Ang bongga naman ng anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia.
Ipinakita ni Erwan ang proseso ng paggawa ng tomato sauce na ni-request ng bagets.
Tumulong ito sa pag-harvest ng fresh tomatoes at hinugasan bago lutuin ng daddy niya.
Mukhang magaling na ring farmer ang little girl nila dahil mag-isa lang niyang binunot ang mga tomato.
Nang i-serve ng daddy niya ang nilutong pagkain ay siya ang unang tumikim ng sauce. “Yum yum,” sey ni Dahlia na aprubado ang lasa ng ginawang sauce ni Erwan.
Ganadong-ganado nitong kinain ang luto ng daddy niya.
Naki-join din ang It’s Showtime host din at nasarapan sa luto ng mister at ni Dahlia at napa-“Yummy!” ito.
Paboritong mag-bonding ng mag-ama sa kusina. Mukhang lalaking magaling na chef ito.
Ibang kabataan, wala nang takot sa mga teacher
Talagang hindi ako maka-get over doon sa nangyari sa cell phone ng apo-apohan kong si MJ. Hindi ko talaga maisip kung paano mawawala ang isang bagay sa loob ng classroom na nandu’n ang teacher, at classmates lang ni MJ ang nasa loob.
Meaning isa sa mga kaklase niya ang kumuha kaya nakapagtataka na hindi iyon nabalik. Hindi maganda na nangyayari ito sa isang classroom lalo pa nga at nandu’n ang teacher. Para bang maiisip mo na walang takot sa kanilang guro ang isang bata.
Hindi mo rin masisi na matukso ang isang bata na kumuha ng gamit ng iba lalo pa nga at alam nila na malaki ang halaga nito.