Bitoy, pinalitan si Daniel sa isang endorsement

Michael V.
STAR/ File

Mapapanood ang TVC ni Michael V. o Bitoy ng BPI sa kanyang Instagram account. Bagong endorsement ito kaya masaya siya.

Aliw ang TVC dahil ipinakikita siya sa different characters kung saan, kilala siya at napapanood sa Bubble Gang. Siya rin ang kumanta ng jingle na madali raw kabisaduhin at puwedeng i-sing along.

May konting isyu lang ang newest endorsement niya dahil pinalitan daw niya si Daniel Padilla na ambassador daw ng BPI for OFW’s and their families. Kung totoo ito, hindi kasalanan ni Bitoy na siya ang ipinalit kay Daniel. Kinuha lang siya, nagkaroon tiyak ng negosasyon, nagkasundo at siya na ang ambassador ng BPI for OFW’s at pamilya nila.

Kung totoong pinalitan niya si Daniel, safe ba sabihin na isa ito sa nabalitang three endorsements ni Daniel na nawala sa kanya after ng breakup nila ni Kathryn Bernardo?

Kathryn, pa-Australia para kay Taylor Swift

Usapang endorsement pa rin, nag-shoot si Kathryn Bernardo ng new TVC para sa isang fastfood chain at solo siyang nag-shoot. Ang alam ng fans, sila ni Daniel Padilla ang endorsers nito, kaya ang tanong, hindi na rin ba endorser ang actor?

O, posibleng endorser pa rin siya, pero dahil break na sila, hindi na sila pinagsama sa TVC shoot.

Tanong uli ng fans, sakaling hindi na ni-renew ang contract ni Daniel as KFC endorser, paano ‘yun, eh may franchise sila ng KFC sa Tacloban City?

For sure, hindi lang TVC shoot ang ginawa ni Kathryn, may photo shoot din siya ng billboards at print ad nito.

And speaking of Kathryn, palipad ito pa-Australia at manonood ng concert ni Taylor Swift either sa Melbourne o Sydney. Ini-enjoy talaga ng aktres ang pagiging single na nagagawa niya lahat ang gustong gawin.

Bea, maraming haters

Hindi naka-off ang comment box ng latest post ni Dominic Roque sa Instagram, pero limited naman ang nakakapag-comment. Tiyak na marami ang gustong mag-comment sa photo niya na mag-isang nakaupo sa isang restaurant na nakalingon at naka-smile.

“Morning”  lang ang caption niya sa photo na parang throwback photo at kuha sa isa sa mga travel nila ni Bea Alonzo sa ibang bansa. Puro positive nga ang comments sa post na ito ni Dominic gaya ng “Cheers,” “Hugs,” “Take care Dom,” “Love you,” at “God bless you.”

Mag-iisip ka tuloy kung ganu’n din ang mga comment kapag si Bea ang nag-post dahil ang daming hate comments sa aktres.

Ang iba nga, dumayo pa sa IG niya para sabihan siyang siya ang may problema sa kanilang dalawa.

May tumawag pa sa kanyang red flag at kung anu-ano pang hate comments gayung pare-parehong hindi natin alam kung bakit sila naghiwalay. Hangga’t hindi lumalabas ang real reason ng breakup nila, mananatiling si Bea ang sisisihin.

Show comments