^

Pang Movies

Ronaldo, dinalaw ang anak na babae

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ronaldo, dinalaw ang anak na babae
Melissa Gibbs-Pabalan
STAR/ File

Mula nang pumanaw noong nakaraang Disyembre ang premyadong aktor na si Ronaldo Valdez, nagkaroon ng pagkakataon na mapana­ginipan siya ng isang anak nito na si Melissa Gibbs-Pabalan.

Sa Instagram, nag-post si Melissa (kapatid ni Janno Gibbs) ng kanyang larawan noong bata siya kasama ang kanyang ama.

“First time I dreamt of you last night papa. Niyakap kita and sabi mo sa ‘kin, ‘alam ko mahal na mahal mo ‘ko,’” caption ni Melissa.
Inayunan ni Melissa ang komento ng follower na nagdudulot ng kasiyahan kapag napanaginipan ang isang mahal sa buhay.

Saglit lang nag-showbiz si Melissa bago ito nag-asawa. Una siyang naging member ng That’s Entertainment noong 1991 at nakagawa ng dalawang pelikula noong 1992 (Ali in Wonderland, Ano Ba ‘Yan?). Naglabas din siya ng isang album.

Anak nina John at Isabel, nagpaparamdam sa showbiz

Dahil parehong nasa showbiz, payagan kaya nina Isabel Oli at John Prats na mag-artista rin ang tatlo nilang anak na sina Lilly Feather, Daniel Freedom at Lilla Forest?

Nais ni John na makatapos muna ng pag-aaral ang kanilang mga anak.

“You know what, sobrang hirap. ‘Yun sana. Until naman ngayon, gusto naming tapusin nila ‘yung pag-aaral nila. But hindi ko alam kung nasa dugo talaga. My eldest, actually lahat sila. Even ‘yung pinakabunso namin, si Forest, gustung-gusto niya.”

Kuwento pa ni John, naiinggit ang bunso nilang si Lilla Forest sa tuwing nakikitang may pumapasok na brands para sa ate nitong si Lilly Feather.

“Ang sabi ko siguro kay Liv, okay lang siguro like if we do brands, social media. Pero ‘yung talagang artista, patapusin ko muna siguro sila ng pag-aaral. And then we’ll see.”

Sang-ayon si Isabel na makatapos muna ng pag-aaral ang kanilang mga anak.

“Ako gusto ko rin na makapagtapos sana, kasi ‘yun naman din ang sa akin. Pinatapos muna ako before entering showbiz. Pero kasi nakikita ko ngayon, lalo na ang youngest. And si Feather, they enjoy. They like to dance, they like to act. And they are comfortable kapag may guesting, they are comfortable on camera.”

vuukle comment

GIBS

MELISSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with