^

Pang Movies

Tetchie Agbayani, pwedeng ikumpara ang career ni Liza sa Hollywood

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tetchie Agbayani, pwedeng ikumpara ang career ni Liza sa Hollywood
Tetchie

Buong pagmamalaki raw sinabi ni James Reid na ang pelikula ni Liza Soberano ay simula lamang dahil marami pa raw kasunod na project ang kanyang alaga. Kaya nga raw si Liza ay kailangang manatili sa LA dahil sa mga proyektong iyon.

Siyempre wala siyang binanggit kung anu-ano iyon, at hindi rin niya sinabi kung kailan gagawin.

Siguradong marami pang kakai­ning bigas si Liza, at mahirap na basta pumasok sa Hollywood.

Pero baka nakakalimutan ng karamihan na hindi na bago na may Pinay na nagkaroon ng pelikula sa Hollywood.

Hindi lamang support kundi bida pa talaga si Tetchie Agbayani sa dalawang Hollywood film. At ang tindi ng promo niya noon talagang lumalabas ang articles tungkol kay Tetchie sa mga lehitimong diyaryo sa US.

At take note, si Tetchie ay naging cover pa ng Playboy Magazine noong araw sa US, isa sa pinakamalaking magazine hindi lang sa US kundi sa buong mundo.

Abangan natin ang magiging kapalaran ni Liza sa Hollywood pagkatapos nitong pelikula nilang Lisa Frankenstein.

Tokyo ni Ate Vi, tuloy ang pag-iikot

Hindi pa natatapos ang pag-ikot ng pelikulang When I Met You in Tokyo ni Ate Vi (Vilma Santos). Magkakaroon na pala iyon ng special screening dahil sa maraming Pinoy sa Italya ang naghihintay na roon.

Bukas ipapalabas na siya sa Space Moderna Theater sa Rome mismo, at sa Feb. 18 ipalalabas naman iyon sa City Life Anteo sa Milan.

Ipinagtanong na namin sa mga kaibigan namin sa Italya ang mga sinehang nabanggit at sinabi nilang disente at malalaking sinehan iyan. “Luxury theaters”  sabi pa nga sa amin.

Ibang klase rin talaga ang mga totoong Vilmanians. Isipin ninyo may blocked screenings kahit na sa abroad.

Aga at Julia, ‘di naghilahod sa takilya

Natuwa naman kami sa nabalitaan naming hindi naman naghilahod ang pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko ni Aga Muhlach kasama si Julia Barretto sa takilya nang magbukas ito sa mga sinehan noong Miyerkules.

Hindi nasayang ang pagod ni Aga sa promo niya sa TV, at napansin nga namin noong isang araw na kumain kami sa Botejyu (restaurant na pag-aari ng Viva) sa isang mall malapit sa amin, nakalagay sa likod ng menu nila ng pelikula ni Aga.

Bea, nag-sorry

Totoo ba ‘yung nag-sorry pa si Bea Alonzo dahil na-realize raw niya na hindi siya magiging maligaya kung magpakasal man sila ni Dominic Roque. Sa ngayon daw, nag-usap sila at nagpasalamat siyang naintindihan siya nito.

Pero ang tanungan pa rin, sino nga kaya ang nakausog kay Bea at bigla noong tinanggihan si Dominic ganoong naghahanda na nga sila sa kanilang kasal?

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with