‘Ang buhay ay maikli, kayat gawin itong maganda’
Totoo iyon kasabihan na laging nasa huli ang pagsisisi.
Ang daming nagsabi na sana ganito, sana ganun, ‘pag nawala na ang isang tao.
So sad na nakikita mo lang ang worth ng tao pag namatay na ito, samantalang ang daming araw na buhay ito na puwede mo sanang nagawa o nasabi ang gusto mo sabihin o pagmamahal mo sa kanila.
Hindi ko alam, pero para sa akin, very pathetic ang ganito na bakit kailangan mawala pa ang isang tao bago ko makita ang halaga nito.
Dapat kung talagang mahal mo at niri-respeto ang isang tao nun buhay pa ito sinabi mo at ipinadama sa kanya kung gaano sila kahalaga sa ‘yo.
Ano pa ang magagawa ng mga pronouncement mo ngayon wala na siya.
Well at least, masasabing may naiwan siyang maganda kaya inalala with fondness.
Ewan ko pero nakakainis or mababaw pag may naririnig akong over acting na papuri sa isang namatay.
Puwede mo sabihing mabait, mabuting tao, pero pag nasa punto na para bang perfect na ito, dun na papasok sa isip ko na bakit ngayon mo lang sinasabi, bakit hindi nun na buhay pa siya.
Human nature na nga siguro na ganun ang kalakaran ng buhay, kikilalanin mo lang pag wala na, kaya nakakalungkot talaga.
Sana lahat makita kung gaano ka kahalaga habang buhay ka pa. Pero maganda rin naman kapag naaalala ka ng mga tao ng nakangiti kapag wala ka.
Kaya nga dapat habang buhay ka siguraduhing na maganda ang naging pakikisama mo para pag nawala ka, they will really miss you. Ang buhay ay maikli lang sabi nga, kaya’t gawin itong maganda para bongga.
- Latest