Pambihirang kuwento ng sex at obsession sa Japan, gustong buhayin ni Joel Lamangan
Ano kaya ang sinasabi ni Direk Joel Lamangan na pelikula niyang pantapat sa In The Realm of the Senses ni Nagisa Oshima?
Para lang maalala ng iba, ang In The Realm of the Senses ay pelikulang ginawa ng itinuturing na henyo ng pelikula sa Japan na si Nagisa Oshima, na naging kontrobersiyal dahil sa mga eksena ng sex, pero iyon ay batay sa isang tunay na pangyayari noong 1936, kung saan dahil sa selos pinutol ng babae ang ari ng kanyang lover at nahuli siyang wala na sa sarili habang palakad-lakad sa Tokyo dala pa rin ang putol na ari ng lover.
Ang In the Real of the Senses ang sinasabing tumapos ng bold trend ng pelikula noon sa Japan, dahil wala nang ibang direktor na gumawa ng pelikulang hihigit pa roon.
Dito sa Pilipinas, naging kontrobersiyal ang pelikula nang ipalabas sa Manila International Film Festival noong 1981, dinumog ng mga tao ang screenings noon na ipinalabas na walang cut. Nagulantang ang mga Pilipino sa pelikula, na bahagi ng isang trilogy.
Dito sa ating bansa, sinasabing gusto iyang pantayan ng mga local na direktor at siyang dahilan kung bakit ginawa ni Peque Gallaga ang unang version ng Scorpio Nights para sa Regal Films.
Naging matagumpay din sa takilya ang Scorpio Nights, bagama’t hindi iyon kasing tindi ng In the Realm of the Senses ni Oshima.
Ngayon, ano kayang pelikula itong sinasabi ni Lamangan na pantapat niya sa pelikula ni Nagisa Oshima?
Hindi naman daw gaya sa pelikula ni Oshima, “kundi pantapat lang.”
Ibabalik na naman ba ang matinding sex sa mga pelikula?
Bea, iniisyuhan ang mga ari-arian sa ‘di matutuloy na kasal nila ni Dominic
Hindi na nga matutuloy ang pagpapakasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Sa totoo lang, ayun sa naririnig kong bulungan, dudang-duda na sila noon pa tungkol dito.
Sa mga ganitong pangyayari kaya, anong reaction ni Daniel Padilla na pinangalandakan ni Dominic na hindi invited dahil matagal na raw silang hindi ok.
Natatawa na lang kaya si Daniel?
Tanungan pa rin sila nang tanungan, ano nga kaya ang dahilan ng break up nila?
Wala namang nababalitang nag-away silang dalawa.
Hindi naman siguro iyon dahil sa mga properties ni Bea, particularly ang kanyang malaking farm sa Zambales at kanyang residential condo sa Spain kung saan siya ay “permanent resident” na. Sa Spain kasi kung ikaw ay mayroong permanemnt real estate property binibigyan ka ng resident’s visa. Maaari kang manatili roon habang buhay.
Pero kung division lamang, maaari naman silang gumawa ng isang pre-nuptial agreement para kung ano man ang properties ng isa’t isa bago ang kasal at maging ang paraphernal properties, maging ang minana mula sa magulang o kaanak ay hindi magiging bahagi ng kanilang conjugal properties.
Duda ako kung aamin sila sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.
Basta ang kinumpirma ni Boy Abunda sa Fast Talk kahapon, kumpirmadong hiwalay na ang engaged couple at wala na talagang kasalang magaganap.
- Latest