Ang laki na rin ng unico hijo nina Ogie Alcasid and Regine Velasquez na si Nate.
Kahapon ay may upload si Ogie na naka-coat and tie ang anak.
Nauna nang nabanggit ni Ogie na lilipat ng school si Nate na junior high school na sa pasukan.
Nabanggit din ni Ogie sa interview namin para sa concert nila ni Odette Quesada na hilig ni Nate na mag-online shopping.
Yup, minsan daw makikita niyang nasa cell phone lang ito at nag-o-online shopping.
Pero pera naman daw nito ang pinambabayad, ‘yung mga ipon niya sa bao.
Samantala, aminado ang OPM hitmaker/singer-songwriter na malaking bahagi ng childhood niya ang mga kantang isinulat ng OPM icon na si Odette Quesada, lalo na nga ang To Love Again ni Sharon Cuneta.
Kaya naman ganu’n na lang ang tuwa at kilig niya nang mabalitaan na pumayag itong makipag-back-to-back Valentine concert sa kanya, Love, Q & A, sa Feb. 14 at 15 sa Newport Performing Arts Theater.
Contract signing ni Daniel, binabantayan na
Nananatiling solid Kapamilya ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo dahil sa pag-renew niya ng kanyang kontrata sa ABS-CBN, ang kanyang home network sa loob ng 20 taon sa showbiz, noong Biyernes (Pebrero 2).
Sa kanyang grand contract signing na pinangunahan ni Dimples Romana, emosyonal na nagpahayag si Kathryn ng kanyang pasasalamat at pagmamahal sa ABS-CBN.
“I remember in 2020, I made a promise, sinabi ko sa ABS-CBN na ‘di kita iiwan at nandito lang ako hanggang makabangon ka ulit. And today, here I am fulfilling that promise. Ang daming nangyari sa ABS-CBN but mahal ko, eh. Mahal ko sobra ‘yung kumpanya and together we will rise despite all the challenges. We’ll be stronger and even better,” ani Kathryn.
“I trust you more than anybody when it comes to work. ABS-CBN is the perfect home for growth. Thank you for supporting my decisions and everything that I do,” sabi pa niya sa mga ABS-CBN executive.
Nagbigay si Carlo Katigbak, ABS-CBN president and CEO, ng kanyang taos-pusong mensahe para kay Kathryn.
“You really are our superstar. You have an amazing talent on screen and it shows in the success in everything that you do but more than that, I have been witness to your most special trait – it’s the kindness and the grace that you showed to the people around you,” sabi nito.
Ang tanong, kelan ba pipirma ng kontrata si Daniel Padilla?
May posibilidad kayang magkatambal ulit sila kahit split na?