Kathryn, nagsalita sa jogging nila ni Jericho!
Nilinaw na ni Kathryn Bernardo ang tungkol sa nag-viral na video at pictures na magkasama sila ni Jericho Rosales na nag-jogging.
Paliwanag niya sa panayam ng ABS-CBN, ang pamangkin ni Jericho na si John Manalo ay malapit na kaibigan niya at nagkayayaan na mag-jogging kaya nagkasabay sila.
“Si John Manalo, good, good friend of mine , ano pa, Goin’ Bulilit days. So, nagkita kami nu’n kasi magwo-work out talaga ‘ko that day, tapos na-mention niya, magdya-jogging. Sabi niya, “gusto mo sumama?” Then I said, “OK why not? Kesa mag-work out ako mag-isa. So, nag-jogging kami,” kwento ng aktres sa panayam ni MJ Felipe.
Tsika pa niya, medyo late na nga ng gabi ‘yun pero nag-enjoy naman daw siya.
“It was parang mga 11, late na, we were just having fun, working out. ‘Yun lang,” sey ni Kath.
Nauna rito ay matatandaang nagpahayag si Echo ng interes na makatrabaho siya kaya natanong ang aktres tungkol dito. “He’s such a nice guy, sobrang bait niya. So, ayaw mo bang makatrabaho ‘yung ganu’n? So, let’s just see,” sabi ni Kathryn.
Last Friday ay pumirma na nga ng panibagong kontrata ang aktres sa Kapamilya network.
Misis ni Cong. Jolo, naubusan ng 2 litro ng dugo sa panganganak!
Hindi pala biro ang hirap na pinagdaanan ng misis ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla na si Angelica Alita-Revilla sa pagbubuntis sa kanilang panganay na anak hanggang sa panganganak at maging sa pagkatapos magsilang.
Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ng anak ni Sen. Bong Revilla na nakaranas ng high risk pregnancy ang kanyang asawa at kinailangang dalhin sa US kung saan nga ito nagsilang ng isang malusog na baby girl noong Jan. 30, 2024.
Nag-post ng mga videos at larawan si Jolo habang nagle-labor si Angel hanggang sa makapanganak na ito.
“Si Angel ay nakaranas ng high risk pregnancy. Sa panahon na kami ay regular na nagpapa-check up, napag-alaman na mayroon siyang circumvallate placenta, ito ay i abnormalididad sa placenta na siyang bumabalot sa sanggol habang siya ay nasa sinapupunan na nagdulot ng mataas na e chance of complications tulad ng preterm delivery at placental abruption, at ayon sa mga eksperto maaaring ikamatay ng saggol sa loob o kakailanganin ng emergency cesarean kapag siya ay ipapanganak na.
“Sa awa ng Diyos ay naisilang ng full term ang aming anak. Malusog at walang komplikasyon. Yun nga lang, ang aking maybahay na si Angel ay nagkaroon ng komplikasyon na nagdulot ng walang tigil na pagdugo na kinailangan pang salinan siya ng dugo matapos niyang ipanganak si Baby LA. Walang pagsidlan ang aking takot at kaba at pakiramdam ko ay iiwan na kami ng aking asawa. Pero mahal kami ng Diyos, miraglong nalagpasan namin ang paghihirap ni Angel, nilabanan niya din ang kanyang kalagayan at ngayon ilang araw na ang nakalipas siya ay patuloy nang nagpapalakas,” ang bahagi ng caption ni Jolo.
Sa video ay makikita ang matagal na pagle-labor ni Angel at talagang hindi siya iniwan ni Jolo hanggang sa mailabas nito ang kanilang baby.
Makikita rin sa video na kasama nila ang ina ni Jolo na si Congresswoman Lani Mercado para alalayan silang mag-asawa sa pagsisilang ni Angel.
Thankfully ay naka-recover na ang misis ni Jolo at makikita sa dulo ng video na palabas na sila ng ospital.
- Latest