Maluha-luha ang netizens sa latest Instagram story ni Kris Aquino matapos nitong aminin na nahihirapan na siyang maging matatag habang nakikipaglaban sa sakit – autoimmune diseases since 2018
Kitang-kita rin sa latest photo ni Kris sa IG Story ang mapupulang pantal sa kanyang payat na mukha.
Dahil dito, sinabi ni Kris kung gaano niya nami-miss ang yumaong ina na si dating Presidente Cory Aquino.
Caption niya, “Unfortunately, i’m suffering from a bad flare and very clogged sinus passages. Even after nearly 15 years, any child who has lost their mom will agree, we still miss them so much. I keep going because i saw how much my mom endured: through all her procedures, chemotherapy, radiation etc because she felt her kids weren’t ready and needed time to accept that she’d no longer be around. Mom, may i have even just 20% of your courage & ability to surrender to God’s will? It’s getting more difficult to stay strong…”
Nauna nang sinabi ni Kris na pababalikin na niya ng bansa si Bimby, ang anak niyang bunso, magtatrabaho na raw ito dahil pamahal daw nang pamahal ang kanyang medical expenses.
Samantala, itinanggi ni Vice Governor Mark Leviste na uupo siyang governor ng Batangas dahil nga sa rigodon sa posisyon sa nasabing probinsya pagkatapos ng appointment ni Cong. Ralph Recto as Secretary of Finance.
Wala pa raw sa kanyang sinasabi si Gov. Mandanas habang sinusulat namin ito.
Walang binibigay na update si Kris kung sila pa rin ni Vice Governor Leviste.
Heart, palaban na sa mga kaaway
Massive ang reaction sa post ni Heart Evangelista na libro na may title na Don’t give the enemy a seat at your table.
Andaming nagpa-thank you for reminding them.
At nai-relate nila ito sa mga ex-member ng kanyang glam team na kahit wala na raw sa kanya ay parang nakadikit pa rin ang pangalan kay Heart.
Majority nga ng comment ay palaban na raw ngayon ang fashion influencer na isa sa main attraction sa ginaganap na Haute Couture Week sa Paris.
Pulos sikat ang present sa Haute Couture Week.
Kabilang sa mga nakasabay niyang rumampa sina Jennifer Lopez and Nathalie Portman, ganundin ang maraming Korean stars.
Iza, pwede na ulit mabuntis?
One year old na agad ang anak ni Iza Calzado.
Maghahanda na kaya si Iza sa second baby nila?
Nag-post nga si Iza ng birthday celebration ni Deia Amihan.
“And just like that our Deia Amihan is 1 year old!
“Deia - we treasure every moment with you so dearly. You have exceeded our expectations in growing up so joyful, smart and strong.
“Thank you for reminding us about what life is all about. We are so excited for more play time with you!”
Nauna ngang sinagot ni Iza na may naka-freeze siyang eggs.
“Isa lang, actually. Isa lang talaga dati ‘yung nakuha naming embryo so nandun lang siya, stand by for... you know...”
Sa ngayon, gusto na lang niyang ipagdasal kung matutupad ang plano nilang magkaroon pa ulit na baby ng mister niyang si Ben Wintle.
“It’s so hard to discuss very personal things especially when it is honestly beyond your control because even if its science, it is still, in my opinion, the grace of God that work because if it is for you, it is for you. If it is not for you, hindi. So parang ayoko lang ng added layer if you don’t mind na parang to discuss pa. So please pray for us and with us. ‘Yun na lang po ang hiling ko,” dagdag ng actress sa isang dating interview namin.
Sharon, hindi na naalala ni Richard
Nakalimutan pala ni Cong. Richard Gomez na mag-happy birthday sa dating ka-loveteam at girlfriend na si Sharon Cuneta noong Jan. 6.
Kaya naman apologetic ang actor / politician nang aminin niya sa entertainment press na hindi niya nabati ng happy birthday si Ate Shawie.
Sa press launching ng Congress TV na ginanap sa Batasang Pambansa kamakailan, nag-sorry si Goma dahil medyo naging busy umano siya nu’ng time na ‘yun.
Kaya naman idinaan niya sa press ang mainit na pagbati kay Sharon.
Aniya, “Pakisabi na lang, happy birthday Sharon, belated happy birthday. Naging busy lang nang konti, happy birthday!”
Pag-amin ng aktor-politiko, nami-miss din niyang umarte lalo pa nga’t ang huling movie nila ni Sharon, ang Three Words to Forever ay ipinalabas noon pang pre-pandemic, 2018.
Okay umano sa kanya na makatrabaho muli ang Megastar sa isang proyekto na mala-Three Words to Forever na masaya’t tipong light family drama.
Sa ngayon, ani Goma, may dini-develop siyang materyal tungkol sa naging experience niya bilang mayor ng Ormoc City.