Sinasabing gaganapin ngayon ang isang meeting ng mga may-ari at mga manggagawa ng CNN Philippines na isasara na rin. Hanggang 2025 pa ang kasunduan ng Nine Media na dating kilalang Solar Television at ng CNN sa kanilang agreement pero sinasabing napagkasunduan daw na itigil na iyon dahil kapos na sa puhunan ang local franchisee. Mahina ang pasok ng commercials sa kanila at nahihirapan na rin sa pagbabayad ng royalties.
Ang CNN Philippines kasi ay naging isang English all news channel simula nang kunin nila ang franchise ng CNN.
Lahat naman daw ng mga empleyado ng CNN Philippines ay makakatanggap ng separation pay mula sa kumpanya oras na magsara na nga sila.
Pero hindi pa maliwanag at malalaman pa raw ngayon kung magpapatuloy sila ng isang taon pang operations bago mag-sign off o tuluyan nang titigil.
Nabalita ring ang news personalities ng CNN ay nakikipagnegosasyon na sa ibang networks para hindi naman sila matengga oras na magsara na ang istasyon.
Jerome, ayaw tigilan ng bashers
Gusto lang naming itanong, bakit kaya hanggang sa ngayon ay ayaw tigilan ng trolls si Jerome Ponce?
Nagsimula lang iyan nang diumano ay tumanggi si Jerome na mag-promote ng isa niyang lumang pelikula.
Pulitika ang pinagmulan ng bashers ni Jerome, at iyong mga dati niyang nakasama sa pelikula na nagsasabing wala siyang pakisama kaya flop ang pelikula nila.
Pero ang dapat sana tingnan natin ang talent niya bilang isang actor.
Ate Vi, gagawan ng coffee table
Inaasahang masyado ngang magiging busy si Ate Vi (Vilma Santos) sa mga susunod na araw. Lahat kasi ng meetings at trabaho niya ay ipina-postpone na niya after the first week of February kung kailan sabay-sabay namang babalik sa US ang kanyang mga kapatid.
Pagbalik niya, may naghihintay na namang project para sa kanya. Hindi pa niya alam na may nagbabalak na maglabas ng isang coffee table book tungkol sa Star For All Seasons.
Noon pa actually ang proyektong iyan na sana ay kasabay ng kanyang 60th year sa show business pero mas maraming mga bagay na inuna.
Noon din may hesitations si Ate Vi tungkol sa libro dahil sabi nga niya “Marami pang mangyayari sa buhay ko.” Pero ngayon mukhang insistent ang publishers lalo na nang makita nila ang kanyang impluwensya sa pagpapabalik ng mga tao sa mga sinehan.
Ang plano ay parang isang coffee table book. Pero siyempre hindi naman maaaring mawala ang lumang pictures ni Ate Vi, na pinoproblema nga rin nila kasi noong araw ay nahiram iyan ng ibang fan magazines na hindi na rin naman nagsauli ng mga iyon. Kaya ngayon iilan na lang natitirang pictures ni Ate Vi. Mabuti naman may nai-save pa kahit na papaano sa kanyang baby pictures.
Sabi nila the book will cover hindi lamang ang pagiging artista kung ganoon din ang kanyang pagiging outstanding public servant.