Bong, nasaksak ng baril sa mata
MANILA, Philippines — Apaw na apaw action ang season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Grabe, parang pelikula ang mga eksenang ipinapanood kahapon sa press launching nito lalo na ‘yung mga barilan at pasabog ng kotse.
Talagang alam mong ginastusan.
Kaya naman kahit si Sen. Bong Revilla ay nagma-manifest na maging pelikula ito at makasali sa Metro Manila Film Festival 2024.
Pero muntik na palang mabulag dito si Sen. Bong nang tamaan siya ng baril sa mata.
Sumakto sa mata niya ‘yung baril sa eksenang nag-aagawan sila ni Beauty Gonzalez na gumaganap na misis niya sa palabas.
“Natural lang ‘yun. Hindi naman gusto ni Beauty na tamaan ‘yung mata ko. Aksidente ‘yun. Actually dito sa project na ito ilang beses nasaktan... tinamaan na ako rito, tinamaan na ko diyan, napilay na ako eh hanggang ngayon nagte-therapy pa ako sa paa ko,” umpisa ng senador / pulitiko sabay turo sa ibang bahagi ng katawan niya na nasaktan.
“Kasama sa magiging ano ‘yan eh, kapag gumagawa ka ng aksyon katulad nung may aksidenteng ganoon, minor accident.
“Kaya ‘yun ‘yung gusto ko ring ituro sa ibang kasamahan natin, na mga kapwa natin artista, ‘yung mga minor na ganung gasgas kasama ‘yan. That’s part of it. Na may mga aksidenteng hindi natin maiiwasan pero hangga’t maa-avoid, avoid din pero ganon pa man like Beauty, as I’ve said, okay na sa’kin ‘yun. Wala ‘yun. Aksidente ‘yun eh. But sa totoo lang akala ni Beauty, nabulag ako,” mahabang pagdedetalye ni Sen. Bong.
“Umiiyak na siya. Tulala siya.”
Ayon naman kay Beauty gusto niyang matunaw that time.
“Gusto ko nang mawala, matunaw uy. Saan ako pupunta? Saan ako magtatago? Hindi ko alam. I’m so nervous that I don’t know what to do. But I was like, the whole time, nakatulala lang talaga ako. Hindi ko alam anong gagawin ko. Magpa-Pasko pa naman. Ang dami nang tumatakbo sa isip ko. Sabi ko, shocked bulag siya, patay! Ginoo ko Lord...,” pag-aalala ni Beauty nung mangyari ito.
Nag-assume agad siyang nabulag si Bong? “Oo parang nag-expect ako kasi ‘yung isang oras ka lang maghihintay ang dami mo nang naiisip ‘di ba. Tatlong oras umabot pa ako sa ganun. Ginoo ko ‘di ba as in pawis to the max tapos biglang dumating,” na ang sinasabi niya ay nung naghihintay siya matapos isugod si Sen. Bong sa hospital.
Dahil sa kaba, talagang pinawisan daw ang buong katawan niya. “Pinawisan pati kilikili ko.”
Kaya nang bumalik ng taping si Bong, naiyak daw ito. “Oo, iyak din ako sabi ko, hay salamat Ginoo ko! Okay ka pa rin. Tapos sabi ko, nakakakita ka pa rin ba ng maayos sa maganda at hindi? Joke lang pero binibiro ko lang siya pero talagang I’m happy that he’s okay and he got back. And enough of that.”
Na-trauma lang daw ng konti ang mata niya pero talagang natakot siya dahil dumugo ito. “Actually dumugo siya ng konti. Dumugo ng konti kaya medyo natakot ako. Akala ko... at least okay sya. God is so good. Ayun ang isang patunay na hindi tayo pinapabayaan ng Diyos kaya palakpakan natin si God.”
At ano ang natutunan ni Beauty sa nangyari : “Accidents happen and ano lang talaga, you can be very careful but I don’t know, natutunan ko is have faith na everything will be okay. Ayun lang. Nag-pray lang talaga ako nung time na ‘yun na sana maging okay siya and then totoo pala ang Diyos na maging okay siya’t gwapo. ‘Yun lang, kinakabahan ako. It’s a very unforgettable experience for me because I really don’t want any accidents to happen to anyone in the set. Hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.”
Anyway, bagong pasok sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis si Herlene Budol na tumakas kahapon pagkatapos ng presscon. Hinintay sana namin siyang bumaba ng stage after the question and answer pero umiwas na ito. Maaalalang pinag-usapan ang tungkol sa diumano’y private conversation nila ni Rob Gomez kamakailan lang.
Mag-uumpisa ulit itong mapanood sa Feb. 4, 7:30 to 8:30 p.m.
Going back to Beauty, nabanggit din nito sa presscon kahapon ang naging karanasan niya sa pag-akyat sa bulkan ng Guatemala.
Sumama raw siya sa isang hiking group.
Nagpaiwan ang asawang si Norman Crisologo at anak na si Olivia.
Kaso biglang pumutok ang bulkan. “Nu’ng pagputok niya, nag-CR ako. Nu’ng nakita kong pumuputok ‘yung bulkan, inangat ko ‘yung panty ko tapos tinawag ko ‘yung mga kasama ko,” kuwento niya.
Hindi raw siya natakot at handa siya sa kahit anong mangyari.
“Because it was good for me, it was good for my soul, it helped me realize na ‘yung mga problema na may solusyon, ‘wag problemahin. ‘Yung mga problema na walang solusyon, ‘wag mo na ring problemahin. So, ang dami kong na-realize nu’ng trip na ‘yun,” aniya.
- Latest