Emosyonal ang aktres na si Kris Bernal nang ibahagi niya ang tungkol sa kanyang postpartum anxiety nang manganak siya sa panganay nila ni Perry Choi na si Hailee.
Inamin niyang nahirapan siyang mag-adjust at na-diagnose siyang may postpartum anxiety. Hindi raw niya inasahang ganon kahirap ang pagdaraanan dahil na-enjoy niya raw ang pagbubuntis.
Nalaman lamang niya ito nang manganak na siya.
Halos wala na raw siyang oras para sa sarili kumpara noon na kahit magsuklay, kumain, maligo at skincare ay nakakalimutan na niyang gawin.
“I can no longer recognize my old self,” bahagi niya noong pagkatapos niyang mailuwal ang anak.
Tumigil daw ang lahat sa kanya, pati ang kanyang pag-vlog at hindi na rin siya aktibo sa social media dahil parang nagbago raw talaga ang kanyang mundo.
Pero nawawala naman daw ang lahat ng ito tuwing nakikita niya ang kanyang daughter. “‘Yung highs siyempre ‘yung baby ko. Kahit mahirap, kahit walang tulog, ‘yung alam mong nandyan may baby ka, alam mo ‘yung blessed ka with a child kasi not everyone naman nebe-bless ka ng ganito.”
Pero hindi naman daw ibig sabihin nito na hindi siya grateful kundi hindi lang daw maiwasan na dumaan sa postpartum.