Sofia Andres, naging kumpisalan nina Kathryn at Sarah!
MANILA, Philippines — Bentang-benta sa social media ang “Arte” post ni Kathryn Bernardo kahapon.
Habang sinusulat namin ito ay almost half million na ang likes nito.
Nasa bakasyon sila ng kaibigang si Sofia Andres, sa beach at naka-two piece ang ex ni Daniel Padilla habang nasa yacht at may hawak na inumin.
So hindi nakakagulat kung magiging calendar girl na rin si Kathryn next year dahil nga nagpapa-sexy na siya.
Anyway, parang si Sofia Andres ngayon ang may hawak ng mga secret nina Kathryn and Sarah Lahbati. As in siya na ata ang naging kumpisalan nina Kathryn and Sarah.
Ka-hangout siya lately ng dalawang actress matapos ang hiwalayan kina Daniel Padilla and Richard Gutierrez.
daniel, nag-iisang nakatira sa condo na worth P50 million?!
Sa Rockwell pala nag-stay si Daniel Padilla.
May unit daw ito sa Proscenium na pinaka-mahal na lugar sa Rockwell.
Hindi nga lang alam ng friend ko na meron din unit sa nasabing condominium sa Makati kung ang actor ang owner ng unit na worth P50 million ang market price sa kasalukuyan or nagre-rent lang ang controversial actor.
Pero alone raw itong nakatira sa nasabing condominium.
negosyanteng si atong ang, sinagot ang intriga sa kanila ni sunshine cruz
Itinanggi ng negosyanteng si Atong Ang ang intrigang may relasyon sila ni Sunshine Cruz.
Ito ang chika kahapon ng isang friend ko na personal na tinanong sa negosyante ang nasabing isyu na kalat na kalat sa showbiz. “He denied it,” ayon sa source.
“Yup..tagal na raw ‘yung kwento na ‘yun,” ayon pa sa chat ng aking source.
Matagal nang kumakalat ang tungkol dito kaya nga raw blooming si Sunshine.
Anyway, spotted recently ang negosyante at si Gretchen Barretto sa Greenhills na namimili raw ng cell phone.
Kaya nanood ng Coldplay Pres. Marcos, pinaalalang music lover siya
Sumagot pala si Pres. Bongbong Marcos sa kontrobersya ng panonood niya ng Coldplay concert last Friday sa Philippine Arena na naka-chopper pa.
Sa isang ambush interview ng mga reporter sa pangulo kahapon ay sinabi nito na music lover siya noon pa. “By now, you would have known, I’m a music lover, I have been for a long time. I studied music for many years. And to have somebody like Coldplay, that’s unmissable, cannot miss,” aniya sa kumalat na interview kahapon sa Pangulo ng bansa.
“It was, by the way, fantastic. Ask anybody who attended the concert. The show they performed was spectacular. I haven’t seen anything like it,” sabi pa ni PBBM.
Actually hindi lang ang Pangulo at first lady ang naka-chopper that night.
May ilang celebrity na nag-chopper para hindi na ma-traffic.
- Latest