Handa na si Cong. Richard Gomez na mag-movie comeback this year.
“Gusto ko na. Kasi ang session namin until Wednesday, so may time ako to shoot,” sabi ni Cong. Richard kahapon nang makausap namin sa press launching ng Congress TV na mapapanood sa PTV 4 free-to-air digital channel 14 in Metro Manila.
“Sana... ang tagal na rin nung huling pelikula ko (Three Words To Forever with Sharon Cuneta and Kathryn Bernardo),” dagdag ng actor/politician.
Like what kind of movie?
“Ahhh. Drama, pwede naman.”
Handa ba siya sa May-December affair?
“Puwede... tatanggi ba ako diyan. Hahahaha.”
Like ‘di ba si Aga Muhlach, may Julia Barretto, sa pelikulang Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko.
Ok ba sa ‘yo na katambal ni Andrea Brillantes?
“Oo naman,” mabilis pa nitong sagot.
Samantala, kabilang silang mag-asawa - Ormoc Mayor Lucy Torres sa mga showbiz couple na matibay talaga ang marriage kaya kung sakaling matuloy man ang May-December movie, walang problema kay Mayor Lucy.
Never ba silang nagka-problema ni Mayor Lucy?
“Hindi talaga kahit kailan.”
Pero anong masasabi niya na ang dami ngayong nagaganap na hiwalayan sa showbiz? Anong secret nila ni Mayor Lucy at walang nabalitaang kontrobersya o intriga sa kanilang pagsasama?
“I think importante talaga ‘yung open ‘yung line of communication namin. Kung minsan kasi nagdi-drift apart ‘yung mga mag-asawa dahil hindi na sila nag-uusap. Saka importante talaga that you pray together and you always tell each other how much you love each other,” seryosong sagot nito.
Ganun ka ba kay Mayor everyday?
“Oo. I love you lagi ako doon.”
Every when ka umuuwi sa Ormoc?
“Pareho, kasi ‘di ba half a week lang kami rito so pagkatapos ko umuuwi na ako sa amin sa Ormoc pero kung minsan siya naman ‘yung kailangan pumunta rito, hindi na ako umuuwi. Saka dapat laging malamig ang kwarto. Hahaha,” dagdag niyang kuwento sa amin.
Habang tumatagal ba ‘yung relationship ninyo lalong umiinit ang pagmamahalan? Hirit na tanong pa ng isang kasama pa naming nagi-interview.
“Dapat ganun, tuluy-tuloy lang. Pero ang usapan nga namin Lucy kung gusto pa ba namin ng isa pang baby. Oo, totoo. Nag-isip talaga ako, hindi ko alam kung kaya pa namin. Ang hirap eh. Syempre at our age ‘di ba. At our age ngayon... Quality of life na lang nung bata iniisip namin. So like for Lucy, ‘di ko alam kasi syempre ‘yung quality of life nung bata importante. Can we attend to them?” natatawang kuwento ni Cong. Goma tungkol sa hirit sanang baby ng misis.
Pero ever since ba hindi pa kayo nagkaproblema ni Mayor Lucy sa pagsasama.
“Hindi naman. Wala. Oo. Very relax lang ‘yung relationship namin. Hindi namin talaga... ayaw namin ng problema kasi ‘pag meron dumating naman na problema we try to resolve it kaagad. Hindi na namin pinapalaki.”
Pero naintindihan naman niya kung bakit talagang naghiwalay sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo at Xian Lim and Kim Chiu.
“Ayun naman naiintindihan natin kasi magsyota pa lang ‘yun eh pero kapag mag-asawa iba na eh. Iba ‘pag mag-asawa,” katwiran niya.
Iisa lang ang anak nila, si Juliana, na graduate na ng college, sa University of the Philippines.
Uugod ugod ka na, elementary pa lang?
“Di ba? Baka 5 years old ‘yung anak ko, pinapahabol ko.”
Eh kung apo na lang?
“Wala pa. Malayo pa sa usapan ‘yun.”
May boyfriend na si Juliana.
Anyway, mag-uumpisa na ngayong araw ang Congress TV sa PTV4.
Pero totoo ba ‘yun Cong. ‘yung ibang mga bagets na Congressman mga branded parang laging may fashion week sa Congress?
“Maraming mayayaman dito eh. Marami silang mayaman dito.”
So parang laging may taping or fashion show talaga?
“Oo, laging nakabihis. Maganda ‘yung mga bihis nila lagi which is good lalo na kapag may Congress TV na at least makita ka na ang mga ginagawa namin dito sa congress.”
Ikaw hindi ka conscious sa mga brand?
“Hindi,” mabilis niyang sagot.
Samantala, mapapanood ang Congress TV, araw-araw, nationwide, sa digital channel 14 sa Metro Manila ng PTV, Channel 46 sa GMA Affordabox at Channel 2 sa ABS-CBN TVPlus.
Sa pamamagitan ng Congress TV, mapapanood ng publiko ang proseso ng paggawa ng desisyon sa pagbuo ng mga batas ng ating bansa sa pamamagitan ng pag-feature sa mga sesyon ng House of Representatives.
Nais daw nitong mang-engganyo ang mga manonood na makibahagi sa pagbuo ng mga pambansang polisiya sa pamamagitan ng online platforms at social media pages nito. “Viewers will have the opportunity to witness the discussions, debates, and deliberations of Congress during its regular sessions.,” ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
“By way of Congress TV, we hope to promote greater transparency and accountability in our legislative process and encourage our people to actively interact with our lawmakers in the spirit of true democracy.”
“We are thrilled to announce ‘Congress TV as one of our first major projects this year, on the occasion of PTV’s 50th anniversary as a broadcast institution in the country,” ayon naman kay PTV Network General Manager Ana Puod.
Ang Congress TV ay mapapanood araw-araw, 9 am hanggang 9 pm. (SALVE V. ASIS)