Michelle Dee, may Barbie doll version!

Na-immortalize sa isang Barbie Doll si Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee at suot ng doll ang Whang-Od-inspired evening gown na gawa ni Mark Bumgarner.
Regalo ito kina MMD at Mark ng Miss Universe Philippines Director of Communications Voltaire Tayag.
“My thank you gift to Michelle for having worked so hard and for being so amazing at Miss Universe,” caption niya sa Instagram post.
Nagpasalamat si Mark sa bonggang Michelle Dee Barbie.
Jiro, inaming ‘di pa magaling
Inamin ni Jiro Manio na hindi pa siya fully recovered kaya huwag daw siyang asahan na babalikan niya ang showbiz.
Ayon sa sinabi ng former award-winning child actor: “Hindi na katulad ng dati ‘yung babad talaga ako sa TV. Kasi po pinagbawalan ako ng mga doktor sa rehab na baka maging effects ng stress ko, magkasakit ako ulit, dahil hanggang ngayon nagte-take ako ng medicine. Tsaka marami pong binawal sa akin. Bawal pong mapuyat, bawal akong masyadong magalit, ‘yung mga substance.”
Hiling ni Jiro ay space para sa sarili niya dahil nabubuhay na raw siya sa reality.
“I need some space para makagawa ako ng sarili kong kagustuhan. Harapin ko pa po ang mga pagsubok sa buhay ko at tumayo ako sa sarili kong paa.”
Nag-trending sa social media si Jiro nang mapanood sa YouTube ang pagbenta niya ng kanyang Urian best actor trophy sa halagang P75,000.
Madonna, kinasuhan sa pagiging late!
Dalawang fans ni Madonna ang nag-file ng demanda sa singer dahil sa pagiging late nito sa kanyang concert in New York ng higit na dalawang oras.
Ayon sa court documents: “The show was meant to start at 20:30 EST (8:30 PM) on all three nights, but in each case it did not begin until after 22:30, (10:30 PM) ending around 01:00. They would not have paid for tickets had they known it would finish so late.”
Katuwiran ng mga nagdemanda na sina Michael Fellows and Jonathan Hadden: “Many ticketholders who attended concerts on a weeknight had to get up early to go to work and/or take care of their family responsibilities the next day”.
Kasama rin sa demanda ang promoter ng concert na Live Nation at ang venue na Barclays Center for “false advertising, negligent misrepresentation, and unfair and deceptive trade practices.”
- Latest