Cast ng PPP, nag-aapoy..., at linlang, back-to-back sa ASAP
MANILA, Philippines — Magsasama-sama ang mga paborito ninyong mga teleserye, habang may mga inihandang sorpresa rin ang inyong ASAP Kapamilya ngayong Linggo (Enero 21) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
May back-to-back finale treat ang hit Kapamilya afternoon series, tampok ang masayang sing-along ng Pira-Pirasong Paraiso stars na sina Loisa Andalio, Alexa Ilacad, Elisse Joson, Ronnie Alonte, KD Estrada, at Joseph Marco.
Susundan naman ito ng thanksgiving get-together ng cast ng Nag-Aapoy na Damdamin na sina Jane Oineza, JC de Vera, Tony Labrusca, at Ria Atayde, kasama sina Ejay Falcon, Kim Rodriguez, Nico Antonio, LA Santos, Aya Fernandez, Jef Gaitan, Elyson de Dios, Mark Manicad, Maila Gumila, Joko Diaz, Malou Crisologo, at Carla Martinez na may special performance pa mula kay Lyka Estrella.
Hindi rin pahuhuli ang salubong ng Linlang cast na sina Kim Chiu, Paulo Avelino, Kaila Estrada, Anji Salvacion, Kice, Race Matias, Benj Manalo, Jaime Fabregas, Ruby Ruiz, at Maricel Soriano bago ang inaabangang teleserye version nito, na sasabayan din nina Angeline Quinto at Erik Santos.
Makisaya rin sa kantahan at sayawan nina ASAP icons Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama sina Janine Gutierrez, Jason Dy, Nyoy Volante, Aljon Mendoza, Maymay Entrata at ang buong ASAP family.
Kiligin din sa harana ni Donny Pangilinan sa ASAP stage, habang may new single performance naman ang next-gen crooner na si Sam Mangubat.
Bigatin din ang OPM hits kantahan nina Jona, Klarisse de Guzman, Nina, at Yeng Constantino.
Maki-throwback naman sa ‘90s hits kantahan nina Gary V, Martin, at Ogie kasama ang ASAP vocal ladies. At abangan ang The Greatest Showdown duets nina Gary V, Martin, Erik, Angeline, Ogie, Regine, Darren, Jona, Yeng, at Bituin Escalante.
Lahat ng ito, mapapanood ngayong Linggo sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5.
- Latest