Alessandra at Empoy, no sweat na sa kanilang ginagawa

Alessandra

MANILA, Philippines — Tatlong pelikula ang nakapilang gawin ni Alessandra de Rossi ngayong 2024.

Pero ayaw niya pang magsalita kung ano ang mga ito pero ang sabi-sabi ay meron ulit silang pelikula ni Piolo Pascual.

Ang lakas kasi ng dating ng ‘landian’ nila ni Papa Pi lalo na sa Gabi Parangal ng Metro Manila Film Festival last December.

As in 15 million views sa isang video. At kilig na kilig ang netizens lalo na dun sa parang gusto siyang halikan ng actor pero ‘di siya pumayag.

Nagtambal na sila sa pelikulang My Amanda at series sa Netflix with Sam Milby.

Anyway, obviously, hindi pa siya nagsisimula sa kahit anong pelikula dahil abala muna ang actress sa May For Ever, ang bagong programa ng tambalan nila ni Empoy Marquez sa Net 25 na mag-uumpisang mapanood ngayong Jan. 20, Sabado, 7 to 8 p.m.

Bihira nang mag-TV ang actress. More on movies siya at huli nga siyang napanood sa MMFF Best Picture na Firefly.

Dahil comfortable na sila ni Empoy sa Kita-Kita at Walang KaParis, parang hindi na rin sila nagtatrabaho sa May For Ever.

Kaya nga puring-puri ng mga kasama nila sa programa sina Alessandra at Empoy na parang no sweat na raw sa kanilang ginagawa.

Kabilang din sa May For Ever sina Michelle Vito, Zach Francisco at Drei Arias.

“Kasi sila mismo ‘yung nag-e-enjoy sa set tapos minsan hindi ko alam na minsan akala ko rehearsal, take pa lang tapos okay na pala ‘yon,” kwento ni Drei, na gumaganap bilang si Nurse Chris na kinagigiliwan ng mga lola.

Dagdag niya, “Sobrang parang hindi po ako nagwo-work tapos sobrang maganda environment namin sa set. Tapos ‘yung takot ko po nu’ng tinanggap ko po ‘yung project, nu’ng binigay sa akin nila Miss Wilma (Galvante) ‘yung project, nawala agad sa first day kasi hindi ko po alam kung bakit ganito ka-humble itong mga veteran actors na ‘to. Sobrang sarap na kasama po sila.”

Tsika naman ni Zach, na tampok bilang si T45, ang nurse na robot, “Ako po, unang taping pa lang po kinabahan na po ako kasi siyempre, Empoy saka Alessandra, ‘di ba? Batikang aktor ‘yan, eh.

“Napakagagaling na aktor ‘yan, tinitingala ko po sila pero dahil nga po sa bait nila, sa kalog din po sila, eh, ‘di ka po nila ituturing na mababang aktor ka pa lang. Kaya nga po, thankful din po ako sa kanila kasi in-encourage din po nila kami at saka ang saya rin po sa set, ang saya po nila katrabaho, ang saya po nilang kasama. Mag-e-enjoy ka ‘pag sila katrabaho.”

Para naman kay Michelle, nagkatrabaho na sila ni Empoy sa isang shoot abroad. Pero si Alex, ngayon lang niya nakasama kaya noong una, medyo na-intimidate siya.

“Nu’ng umpisa pero super bait ni Ate, ‘di ka niya ipapa-feel na baguhan, palabati, laging nagjo-joke. Sobrang gaan lang katrabaho,” ani Michelle.

Anyway, may pagka-futuristic ang May For Ever dahil ang setting nito ay taong 2064. Tungkol ito sa mag-asawang senior citizen — sina May (Alex) at Ever (Empoy) na nakatira sa isang assisted living facility.

Dito nila madidiskubre na ang tunay na nagmamahal, may forever.

Sa ilalim ng direksyon ni Nico Faustino.

Pero sa totoong buhay ay wala pang For Ever sina Alessandra and Empoy.

Show comments