^

Pang Movies

Pokwang, wala nang pahinga!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Pokwang, wala nang pahinga!
Pokwang

Si Pokwang ang bagong dagdag sa cast sa Season 2 ng Jose and Maria’s Bonggang Villa sitcom nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na magsisimula ngayong Sabado, Jan. 20.

Base sa social media accounts ng GMA, makakakumpetensiya ng bed and breakfast nina Dong at Yan ang bed and breakfast din ni Mamang Pokie, huh!

Naku, bardagulan na ang magaganap sa labanang ito ng mag-asawa kay Pokwang!

Eh kahit mas kilala si Pokie bilang komed­yana, aba, huwag tawaran ang kakayahan ni Yan sa pagpapatawa dahil may angking talento rin siya pagdating sa genre na ‘yan!

Sa totoo lang, sa pagkakaroon ng sitcom ni Pokwang, halos six days na siyang mapapanood sa TV dahil may daily siyang TikToClock sa umaga at nitong nakaraang mga araw, may special guesting siya GMA Afternoon prime na Abot Kamay Na Pangarap.

Mga sumikat sa airlines at social media

Kakaiba ang boses ng baguhang singer na si Rhodessa nang magpasampol siya sa mediacon ng ILYSM (I Love You So Much) Valentine concert mediacon.

Si Rhodessa ang nasa likod ng hit song na Kisame at Mina (Minamahal Ko) at Ako Na Lang Kasi. ‘Yung boses niya eh ang tunog ng musika ngayon kaya mabenta siya sa Gen Z, huh!

Magiging bahagi ng Feb. 13 concert sa Araneta Coliseum na handog ng Viva Live.

Makikipagbakbakan si Rhodessa sa hitmakers ding sina Arthur Nery, Janine Tenoso, MRLD o Meriel de Jesus, Adie, Rob Deneil at ang guest na bandang Alamat.

Ito ang unang pagkakataon na pinagsama ng Viva Live ang mukha, tunog at musika ng mga taong nasa likod ng musika na sumikat at hinahangaan sa airlines at social media.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with