Kim at Paulo, nalinlang ng virus!

“Buhay pa rin po ang COVID,” bulalas ni Kim Chiu kahapon habang nasa Zoom video.

At hindi lang si Kim, maging si Paulo Avelino ay positive rin sa COVID.

Kaya naman pareho silang nasa Zoom video ng actor para sa media conference ng airing sa free TV ng kanilang matagumpay na series, Linlang.

May kasalukuyang sino-shoot na teleserye sina Kim and Paulo, ang What Wrong with Secretary Kim.

Wala naman sa hitsura ni Kim na malala ang COVID.

Hindi siya umubo at kahit sumingot.

Mahina na ang epekto ng COVID pero kailangan talagang mag-isolate.

Anyway, matapos ang massive success ng airing ng Linlang sa Prime Video na sinubaybayan sa maraming bansa, eere na nga ito sa free TV this January.

Ayon kay Direk FM Reyes, mas detalyado ang kuwento rito dahil 60% pa pala ng kuwento ang hindi naipalabas at napanood sa Prime Video.

Na para talaga kay Kim ay additional blessing.

“Unexpected ‘yung itinakbo ng Linlang, actually nagulat din ako.

“‘Yun lahat ng fear ko nawala. Na-appreciate nila hanggang sa ibang bansa, ‘yung ibang bansa na hindi namin alam na nag-e-exist, napapanood nila ang Linlang,” sabi pa ni Kim.

Anyway, kabilang talaga sa nag-iwan ng malaking impact sa mga manonood ng Linlang ang sampal ni Maricel Soriano kay Kim na ayon kay Kim ay may rehearsal, blocking and actual sampal. Kaya may tatlong sampal agad siya sa isang eksena.

“Nagpapasalamat talaga ako kay Inay Marya dahil talagang gusto niyang lumabas ang totoong aray. And I think naramdaman ng audience ‘yun sakit.”

Sagot naman ni Inay Marya : “Kasi talagang kailangang maging totoo ang reaction mo. Hindi maganda ang fake anak.”

At hindi lang naman kay Kim lumanding ang palad ng mahusay na actress. Maging sa iba pang character.

Isang seaman ang character dito ni Paulo at may LDR sila rito – long distance relationship.

Payag ba siya sa ganung set-up?

“Kung wala talagang choice, I will try to make it work,” sabi ni Paulo.

Para naman kay Kim “Depende naman kung gaano mo kamahal ‘yung isang tao. Kung willing kang maghintay. Kung willing ka… pero least na ‘yun sa pwede kong tanggapin. Pero mas masarap pa rin ‘yung andyan siya, kayakap mo, nahahawakan mo, andyan sa tabi mo. Mahirap kasi pag sobrang layo. Depende na lang kung gaano mo kamahal ‘yung isang tao,” katwiran ni Kim.

Samantala, bukod sa intense na acting ng mga bida at kuwento ng Linlang, maraming social issues na tinalakay sa kuwento ng teleserye kaya talagang kinapitan ito ng mga manonood na tiyak na mas tututukan dahil mas detalyado ang kuwento.

James, bumabawi sa fashion week

Legit ang rampa ni James Reid sa Milan Fashion Week.

At meron silang photo op with Giorgio Armani na uploaded sa official Instagram account ng Armani.

Bukod kay James kasama rin niya sina Patrick Schwarzenegger, Josh Beauchamp at iba pang international celebrities.

Aside from Armani, nagsuot din siya ng Fendi para sa first men’s fashion week sa Milan.

Kasama niyang nag-travel sa Milan ang girlfriend niyang si Issa Pressman.

In all fairness, nabawasan na ang bashers nila.

Parang unti-unti na ring natatanggap ng fans na sila na nga kahit pa inamin dati ni Issa na isa siyang bisexual.

Kathryn may dialogue sa Hollywood film

Kalat na sa social media ang promo ng Hollywood movie na Lisa Frankeinstein.

Isa itong American horror comedy film starring Kathryn Newton, Cole Sprouse, at Carla Gugino, with Liza Soberano directed by Zelda Williams.

In all fairness, parang funny ang role ni Liza base sa trailer na lumabas.

At may dialogue siya, hindi masasabing extra lang.

At nang i-upload ni Liza ang trailer nito, nag-comment pa ang Hollywood star na si Kathryn Newton ng “You are the best part of this film?.”

Maalalang nagkaroon ng major shake up ang career ni Liza nang umalis siya sa Star Magic / Ogie Diaz at lumipat sa management group ni James Reid pero nagkaroon ng problema sa working visa ng kanyang partner na Korean.

 

Show comments