May father figure na ang teen-age son ni Meryll Soriano na si Elijah (by her ex-husband, ang actor na si Bernard Palanca) sa katauhan ng present partner ng aktres na si Joem Bascon, ama ng kanilang more than two-year-old son na si Gideon.
Si Meryll ay nahiwalay sa kanyang ex-husband matapos lamang ng mahigit limang buwan nilang pagsasama.
Nagkalapit naman sa isa’t isa sina Meryll at Joem nang magkasama sa isang serye sa telebisyon in 2010 pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon at nauwi rin sa hiwalayan. Pero nung 2019 ay na-rekindle ang relasyon nila nang muli silang magsama sa isang pelikula, ang Culion which was shot in Palawan at naging kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.
Since then ay halos inseparable na sila hanggang sa magbunga ang kanilang relasyon ng isang baby boy na si Gideon, ang second grandson ng actor-comedian, TV host, producer and businessman na si Willie Revillame.
Papa rin ang tawag ni Eli sa kanyang stepdad. Pero ipinaliwag ni Joem na hindi umano niya inaagawan ng papel ang biological father ni Eli na si Bernard.
Joem was in a long relationship with YouTuber Crisha Uy - eight years - bago nakipagbalikan kay Meryll.
Ka Tunying sinabay ang birthday sa wedding anniversary celeb
Isang joint celebration ang aming dinaluhan last Sunday, January 14 sa Ka Tunying’s – Tagaytay in Tagaytay City para sa kaarawan ng kilalang broadcast journalist, commentator, host at successful entrepreneur na si Anthony Taberna at ang ika-16th wedding anniversary nila ng kanyang entrepreneur-wife na si Rossel Velasco-Taberna. Bukod sa kanilang respective families, hindi pagpahuli sa pagbati sa pamamagitan ng video message ang First Couple na sina Pres. Ferdinand `Bongbong’ Marcos, Jr. at First Lady na si Atty. Liza Araneta-Marcos gayundin ang ibang mga prominent politicians, mga dating kasamahan ni Tunying sa bakuran ng ABS-CBN at ang matagal na radio program partner niyang si Gerry Baja.
Since nasa food business ang mag-asawang Tunying at Rossel, bumaha ng napakaraming masasarap na pagkain, kakanin, at iba pang delicacies na nagsimula sa hapon hanggang gabi.