Sweet messages ni Daniel kay Jasmine, kumalat ulit

Jasmine Curtis

MANILA, Philippines — Nakakaladkad ngayon ang pangalan ni Jasmine Curtis kay Daniel Padilla.

Ito ay matapos buhayin ng ibang netizens ang dating tweet ni Jasmine na “Yes, I admit that Daniel and I exchanged sweet text messages.”

That was 2014 base sa message noon ni Jasmine na kumakalat sa social media.

Around that time, on na nga raw sina Da­niel at Kathryn Bernardo.

So sino raw kaya ‘yung iba pa?

May mga pinapangalanan na sina Liza Soberano, Julia Barretto, Gillian Vicencio and Andrea Brillantes?

Nagkaroon ng ganitong epekto ang post ng sister ni Kathryn na si Kaye na “WE KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER”.

May caption ito na “(2017, 2018, 2019, 2021, 2023) and the very first one that I know (2014).”

At hinulaan nga ito ng netizens na may kinalaman sa diumano’y ginawa ni Daniel sa kanyang sister.

Na hindi naramdaman ni Kathryn kung ganun?

Well, ‘yan lang naman ay mga analysis.

Samantala, inamin ni Jasmine na live-in na sila ng boyfriend na si Jeff Ortega na Department of Tourism provincial director.

Hindi ito idinenay ni Jasmine sa Fast Talk with Boy Abunda days ago.

Ayon kay Jasmine around 22 or 23 years old siya nang magsama sila ng karelasyon na galing sa pamilya ng mga pulitiko sa iisang bubong.

“Mag-isa na po talaga ako in my own place, in my own apartment. With his work always taking him to different places, kapag may panahon siyang umuwi or bisitahin po ako, sa akin na rin siya natutulog noong panahon na ‘yun,” sabi ni Jasmine.

Hanggang nagkaroon na usapang magli-live in na sila.

Pinagbibidahan ngayon ni Jasmine ang drama series na Asawa Ng Asawa Ko. Kapareha niya rito si Rayver Cruz.

Show comments