Pagkamatay ni Mario B., pinalungkot ang simula ng 2024

Ricky Lo

MANILA, Philippines — Hanggang ngayon parang nakakaramdam pa rin ako ng sadness dahil nabawasan na naman kami ng kasamahan sa trabaho.

Siguro nga dahil bago ang taon parang naging mas malungkot dahil nga umpisa pa lang ng 2024 nangyari.

But there are only two things in life na sigurado tayo, ‘yung pagsilang sa atin, at ‘yung kamatayan na tiyak naman darating kahit pa nga ano ang gawin mong pag-iwas. Melancholia dahil nga siyempre mami-miss mo pa rin ang company ng isang kasamahan mo na nawala.

Sa showbiz bihira ang strong bonds among each other dahil parang fleeting lang ang pagkikita at pag-uusap ng bawat isa. Kaya suwerte ka ‘pag meron kang kasamahan na itinuring kang kaibigan. Maliit ang circle of friends ko kahit nga sabihing feeling ko kaibigan ko ang lahat.

Bihira nga siguro ang makakatiis sa pagkamaldita ko kung minsan. But surprisingly naging close kami ni Mario Bautista. In fact naging ninang pa ako ng isang anak niya, at chika-chika kami ni Vicky, ang asawa niya.

Kaya nga nalungkot ako sa balita na wala na si Mario B. Imagine mo the years na lagi kayong nagkikita, parang tulad nina Ricky Lo, at Ethel Ramos, isa na naman haligi ng showbiz ang nawala. Isa na namang credible at respected writer ang hindi na mababasa. How sad ‘di ba, kaya gloomy Sunday ang nadarama ko kahapon.

Let us all pray for Mario Bautista. Let his soul rest in peace. Amen.

Show comments