Sarah, nagselos kay barbie?

Kakaiba rin ang netizens. Talagang lahat napapansin nila ‘pag may naganap na pagbabago sa Instagram ni Sarah Lahbati. Ito ay sa kalagitnaan ng kontrobersya ng hiwalayan nila ni Richard Gutierrez.
Una, nakita nilang tinanggal na nito ang apelyidong Gutierrez sa kanyang Instagram account.
From the initials na SLG - Sarah Lahbati-Gutierrez ngayon ay Sarah Lahbati SG na lang.
At nag-unfollow na rin siya sa pamilya Gutierrez – Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Richard and Raymond Gutierrez.
Pero ganundin naman si Richard. Hindi na rin ito nagfo-follow sa ex-wife.
Pati si Ruffa.
Sa dagat madalas lately si Sarah at catching up sa kanyang friends.
Pero ang pag-unfollow nga ba ni Sarah ay konektado sa Richard-Barbie Imperial angle?
Apektado nga raw diumano si Sarah kay Barbie ayon sa mga chika.
Samantalang nag-attend lang naman daw si Richard ng opening ng nasabing resto bar na part owner si Neil Arce na asawa ni Angel Locsin na part owner din si Barbie.
Anyway, ang latest Instagram story ni Richard ay kasama niya ang anak nila ni Sarah na sina Zion and Kai.
Lumapit na diumano ang mag-asawa sa abogado months ago pa.
Wala raw silang pre-nup agreement kaya malamang na hatian na ng property ang usapan.
Ang hinihintay na lang ngayon ay magbigay ng official statement ang dating mag-asawa upang ikumpirma ang kanilang hiwalayan.
Mga pirata sa MMFF, papanagutin
Nawasak na ng 49th Metro Manila Film Festival ang kita noong MMFF 2018 at umabot na sa record breaking level ang kita nito.
As of Jan. 7, umabot na sa P1.069 billion ang gross income nito sa almost 800 theaters sa buong bansa kumpara noong 2018 na ipinalalabas ang mga pelikula sa 1200 theaters.
Extended ito ng another week kaya inaasahang aabot ang kita nito P1.2 billion.
Pero wala pa rin silang nilalabas na breakdown kung magkano ang kinita ng mga pelikulang pumasok sa Top 5.
Tho nanatiling nangunguna ang Rewind nina Dingdong Dantes and Marian Rivera.
Anyway, first time rin na ipalalabas ang mga pelikulang kalahok sa 49th MMFF sa Hollywood– 1st Manila International Film Festival.
At may representative ang bawat entry.
Ang laki ng plano nila. Invited ang mga sikat na Fil-American celebrity including Jo Koy na trending pa rin dahil sa diumano’y pagkakalat nito sa Golden Globes na laging ganun naman ang isyu sa mga host.
Anyway, ayon kay Atty. Artes, malaki ang nagawa sa tagumpay ng 2023 MMFF na pulos quality movies ang sampung official entries na pakiramdam nila na-cater nito ang ABC market na kabilang sa new audience kesa noong nakalipas na MMFF na ang CDE markets lang ang covered.
“We received reports that moviegoers watched multiple films while others watched films repeatedly. Hopefully, we can sustain this beyond the festival so that our film producers can offer quality movies all year round. We also encourage filmmakers to create better films for the MMFF’s 50th edition,” sabi ni Atty. Artes sa ginanap na press conference kahapon with MMFF Spokesperson Noel Ferrer.
Gaganapin ang maiden MIFF mula Jan. 29 to Feb. 2.
Wala namang Metro Manila Summer Film Festival ngayong taon upang mas tutukan ang mga paghahanda sa 50th MMFF.
Kabilang sa road to 50th MMFF ang student short film caravan, the short film festival, publishing a coffee-table book, and Cine 50, kung saan isasama ang top 50 MMFF films sa loob ng 49 years na mapapanood sa halagang P50.
“We are expecting to feature bigger and better films for our 50th edition as we celebrate the cinema-goers return to theaters and patronize local movies,” sabi pa ni Atty. Artes.
Sinabi naman ni Winston Emano, MIFF Consultant and Spokesperson, na sa ilalim MIFF, magkakaroon ng series of gatherings and dialogues sa Filipino celebrities, filmmakers and scriptwriters and their American counterparts.
“There will be an exchange of ideas and knowledge sharing. We hope to bridge the gap and connect the Philippine entertainment industry with that of Hollywood and the international stage,” dagdag naman ni Atty. Artes.
Magkakaroon ng separate awards night with a different set of judges sa MIFF kaya malamang na hindi ito magiging katulad sa mga nanalo sa MMFF Gabi ng Parangal last December.
Samantala, nakikipag-ugnayan na sila sa concerned agencies and film producers pagkatapos na kumalat ang pirated version ng ilang MMFF entries lalo na ang Rewind na isa sa mga kumalat agad at nagkaroon ng illegal streaming.
“We are coordinating with authorities so that the illegally-streamed films will be taken down immediately,” sabi pa ni Chair Artes.
At inaasahan nilang mananagot ang may kagagawan nito.
“Kasama po ang law enforcement agencies, para ma-trace ‘yung mga... hindi namin i-take down ‘yung mga sites kundi alamin din po kung saan nagmumula para nga po makahuli po tayo at makapag-sample po ng makasuhan kasi nga po may mga immediate concern po natin is i-take down po muna ‘yung mga sites dahil kawawa po ‘yung mga producer na affected din po nitong ganitong activities na pinaghirapan nila, pinuhunanan nila ‘yung kanilang pelikula tapos pipiratahin.
“So ‘yun po ‘yung una nating naging action is to have na ma-take down ‘yung mga sites and then susunod na nga po nating step is yung sa law enforcement side para po mahuli at maparusahan ‘yung mga namimirata,” pahayag pa ni Atty. Artes.
Malinaw ang kopya ng pirated copy lalo na ng pelikulang Rewind.
Robi nagluluksa pagkatapos ng kasal
“Bittersweet,” umpisa ni Robi Domingo.
January 6 ikinasal sina Robi at Maiqui Pineda at masayang-masaya sila pero kasabay pala nu’n ang pagpanaw ng kanyang lola.
“January 6 was the happiest day of my life. My heart was filled with immense gratitude -from preps in the morning, to the ceremony, to the reception which lasted until dawn.
“As I was about to leave the place, my mom was sobbing as she tried to tell me that my Lola passed away that same morning. Apparently, my family didn’t tell us so that our focus was our magical day,” dagdag ni Robi.
“Ina”, as I fondly called her, took care of me especially when I was a toddler. I loved how she made her ube halaya and Leche flan sa llanera.
“Rest in peace, ina. Please look after us together with ama. Thank you, and we love you.?”
“We wanted to thank a lot of people during the wedding but it has been a rollercoaster ride for us these past few days. Our hearts are happy, but we apologize for the delay. We’ll just take a breather from all the happenings.”
- Latest