Bilang loveless pa rin si Pops Fernandez, mga girl friends daw niya ang kasama niyang nagdiriwang ng Valentine’s Day.
Natanong kasi sa Concert Queen sa mediacon ng kanyang anniversary concert na Always Loved kung ano ang gagawin niya on Feb. 14. “Normally, this is true ha, on Valentine’s Day, I have a group of girl friends and lahat kami, single. So, we usually spend Valentine’s together. Meron na kaming pact na habang single kami, or maski meron nang love life, kami-kami pa rin ang magse-celebrate ng Feb. 14,” sey ni Pops.
Hindi naman sinasara ni Pipay ang kanyang pintuan para sa lalaking darating na mamahalin siya at mamahalin niya pero hindi raw siya naghahanap at hindi raw siya nag-e-expect. “Dati kasi, when I was much younger, siyempre, ‘yung maiinip ka, ‘yung naghahanap ka, you go out of your way. Ang ano ko ngayon is, ang belief ko ngayon is ‘when the right time comes, he will come.’ Hindi na dapat siya hinihintay.
“Darating na lang ‘yan if there is really someone who’s meant for me,” pahayag ni Pops.
Paliwanag pa ng Concert Queen, hindi naman siya malungkot kahit wala siyang love life. “Kasi, hindi naman ako sad, hindi naman ako lonely. As a matter of fact, I’m happy. So, ‘pag nangyari ‘yan, ano na lang ‘yan, bonus na lang ‘yan sa life ko and hopefully nga, that person will be somebody who I will grow old. ‘Yung hindi pilit, ‘di ba? ‘Yung bagay na bagay kami, nagkakaintihan kami at magta-travel na lang kami, enjoying life together,” sey ni Pipay.
Matagal-tagal na ring hindi nagko-concert si Pops ng solo major talaga but after 12 years ay nag-decide siya na magbalik sa concert scene because she’s celebrating her 40th year in showbusiness this year kaya very special ang magiging concert.
Marami raw siyang pasabog at surprise sa show pero ang binanggit pa lang niya ay ang dalawa niyang guests na icon na rin sa music industry na sina Martin Nievera at Gary Valenciano na siyang guests niya sa very first concert niya sa Folks Art Theatre.
Ang Always Loved is happening on Feb. 9 & 10 at the Theatre in Solaire.
Jennylyn, inaming namatay ang PAG-ibig nila ni Dennis
Balik nang muli si Jennylyn Mercado sa primetime TV matapos nga siyang mabuntis at makapanganak sa panganay nila ni Dennis Trillo na si baby Dylan.
Finally ay ipalalabas na ang Love. Die. Repeat. with Xian Lim na matagal na nilang sinimulan pero dahil aksidente ngang nabuntis ang aktres habang ginagawa nila ang project ay pansamantala itong natigil.
Nagkaroon na ng grand mediacon ang serye last Monday at masayang-masaya si Jen sa kanyang pagbabalik after three years. Sobrang thankful din niya na talagang hinintay siya ng GMA 7 at ng buong cast para maging available siya.
“Syempre, nagpapasalamat ako na hinintay ako ng GMA, hinintay ako ni Xian. Kasi siyempre, pwede naman po akong palitan, ‘di ba? Ilang araw pa lang naman ‘yung nasu-shoot namin,” ani Jen.
Aminado ang Kapuso Ultimate Star na kinabahan din siya na baka palitan siya sa serye.
“Kinabahan ako kasi sabi ko, ‘naku, baka hindi na ibigay sa akin.’ Ang ganda pa naman ng project. Tapos, first time kong makakasama si Xian. So, thankful ako na binigay pa rin nila sa akin ‘to,” sey ni Jen.
Kakaiba ang kwento ng Love. Die. Repeat. dahil naka-stuck ang kanilang karakter sa time loop at paulit-ulit na nangyayari ang mga insidente sa kanilang buhay.
When asked kung sa totoong buhay ay may pag-ibig ba siya na namatay at inulit, ani Jen, ganito nga raw ang nangyari sa kanila ng mister na si Dennis. Naghiwalay na nga sila before and nagkabalikan lang uiit. “Kami ni Dennis, ‘di ba gano’n? ‘Di ba, nag-repeat? Nanalo ang pagmamahal,” aniya,
Ngayong 2024 ay magtutuluy-tuloy na ang pagbabalik ni Jen at may gagawin din siyang dalawang pelikula plus may gagawin din siyang album sa Star Records.