‘Everything happens for a reason’...Xian nagsalita sa breakup nila ni Kim
“Everything happens for a reason,” ang sagot ni Xian Lim kahapon sa naging break up nila ni Kim Chiu.
Halatang umiiwas si Xian pero wala siyang nagawa nung na-corner na sa presscon ng Love, Die, Repeat with Jennylyn Mercado.
Sa ginanap na grand mediacon ng bagong serye ng GMA-7, hinintay ng lahat na magkomento si Xian tungkol nga sa break-up nila ni Kim matapos silang umamin sa social media.
Kilalang very private si Xian at hindi makuwento pagdating lovelife.
Pero naitawid ng mga naghihintay ng sagot nang tanungin ang aktor kung katulad din ba ng title ng serye, sa totoong buhay ba ay mayroon siyang gustong i-repeat pagdating sa pag-ibig.
“I think in life, everything happens for a reason. ‘Yun lang naman po ‘yun. Hindi man umulit or umulit man, everything’s gonna happen for a reason,” medyo maigsing sagot ng actor.
Pero hindi siya tinantanan at diretsahan pang tinanong kung pwede bang mag-repeat ang love niya for Kim at sagot ng aktor, “lahat nga po nang pangyayari sa buhay, everything happens for a reason. So, we just have to move forward kung anuman po ‘yun.”
“Of course, dapat naman talaga, okay tayo,” sagot niya nang tanungin naman kung kumusta na siya.
Tumango at ngumiti lang ang aktor nang kumustahin naman ang puso niya.
Pero anong plano niya this year? “I think, plans for 2024, dapat lang na keep on working. ‘Yun naman po ang gusto natin, work on yourself and just keep on different things, doing different projects, keeping busy,” nakangiti niyang sey.
Nang uraratin kung nasaan siya ngayon, moving forward, moving on or has moved on, sagot ng aktor, “kailangan lang po talaga nating maging masaya. Unahin muna natin ang sarili.”
Masaya ba siya ngayon? “’Yun lang po, maraming-maraming salamat po,” senyales na ayaw nang sumagot ni Xian.
Samantala, mapapanood na ang Love, Die, Repeat sa January 15.
Movie nina Dingdong at marian, kalat na ang pirated version
Wow nabuhay ang mga pirata ng pelikula.
Palibhasa ay malalakas ang mga pelikula sa MMFF na extended ng one week sa mga sinehan, nagkalat naman ang pirated copies ng Rewind nina Dingdong Dantes and Marian Rivera.
Sa Facebook ito unang kumalat.
At malinaw ayon sa mga nakapanood.
Mas hightech na rin ngayon ang piracy dahil ang liliit na ng camera at pwede nang ilagay kahit saan.
Pero as of last night, almost P600 million na raw ang kita ng Rewind.
Kaya ang joke, tubong lugaw ang pelikula.
Pops, naiiyak ‘pag pinag-uusapan ang pagiging lola
Kawawa rin ang Fil-Am stand-up comedian na si Jo Koy na first time nag-host ng Golden Globes. Hindi naging maganda ang dating sa mga nakapanood at sa social media.
Gumawa naman siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino-American na nag-host ng prestihiyosong Golden Globes awards, pero ang mga biro ng komedyante ay hindi naging maganda ang dating sa audience na puno ng mga A-lister at famous Hollywood celebrities.
At na-play up ang pag-inom ng tubig ni Taylor Swift nung nag-joke si Jo Koy tungkol sa NFL game-day. “The big difference between the Golden Globes and the NFL? At the Golden Globes, we have fewer camera shots of Taylor Swift.”
Umami rin ng boo ang Pinoy stand-up comedian nang ikumpara niyang ang dalawang pelikula na “Oppenheimer and Barbie are competing for cinematic box office achievement. Oppenheimer is based on a 724-page Pulitzer Prize-winning book about the Manhattan Project, and Barbie is based on a plastic doll with big boobies.”
Ang Oppenheimer ang nanalong Best Motion Picture Drama.
Kaya naman mabilis na naki-react ang mgaPinoy. As if kinakahiya nila si Jo Koy.
Pero awa naman ang naramdaman ni Pops Fernandez na habang binabasa namin ang pagti-trending ni Jo Koy sa X (dating Twitter) ay hindi pa nag-uumpisa ang presscon niya para sa kanyang 40th showbiz anniversary sa Always Loved na gaganapin sa February 9 & 10 sa The Theatre at Solaire.
Ang bait daw ng mommy ni Jo Koy na ibinida nito sa kanyang speech.
“When I was a kid growing up I used to watch the show and I would stay up late with my family just trying to guess who would win and every time my mom would say ‘it’s Meryl Streep, stupid. Who else will win, she wins every time.’ And she was right! You do you win all the time,” banggit ni Jo Koy sabay tingin sa veteran Hollywood actress.
Ayon kay Pops mabait ang mommy ng first Fil-Am Golden Globes host at na-invite na siya nitong mag-lunch sa Las Vegas. “Mabait ang mom niya, nakilala ko sa Vegas. Pero hindi ko pa nami-meet si Jo Koy in person,” say ni Pops na isa nang lola.
Yup, isang lola na si Pops pero hindi pa raw niya nakikita ang kanyang apo. “Alam na alam ko na na kapag nangyari ‘yan, hindi ko mapipigilan ang iyak ko dahil iyakin naman talaga ako by nature especially when it comes to my family. So sinabi ko nga earlier, hindi ko pa rin ma-imagine the reason why nasesenti ako is first and foremost, hindi ko pa ma-imagine na ang aking panganay is already a dad. So isa ‘yun sa kinaka-senti ko but I’m sure he will be a very very good parent dahil alam ko kuya (Robin) is very loving and very responsible. So ‘yun siguro mas madarama ko ‘yun kapag nagkita na kami,” pahayag pa ni Ms. Pops kahapon sa ginanap na presscon ng Always Loved na sabi ay zero pa rin ang lovelife niya.
- Latest