^

Pang Movies

Claudine nilinaw ang pagkadawit ni Ate Vi sa gag order

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Klinaro ni Claudine Barretto ang pangalan ng idolo niyang si Vilma Santos sa pagkakadawit nito sa issue nila ng estranged husband na si Raymart Santiago.

Sa kanyan Instagram post ay binati ni Claudine si ate Vi sa anibersaryo nito sa showbiz kasabay ng pagtatanggol sa Star For All Seasons.

Napagbibintangan kasi ngayon si Vi na siyang nag-udyok kay Claudine idemanda si Raymart dahil na rin kanyang mga naging pahayag sa vlog ni Luis Manzano.

Ayon kay Claudine ay nasasaktan daw siya na nadadamay pa ang idolo niya sa kanyang sitwasyon.

“Being a (Vilmanian), it hurts me to hear that nadadamay ang idol sa sitwasyon ko ngayon,” aniya.

 “I just want to clear, never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko. Ang lahat ng advice niya sa akin ay puro postive. To be strong, na lumaban sa buhay,magpakatatag.wala po syang inadvice kundi mahalin ko trabaho ko,mga anak at lalo mga fans/friends ko,” paglilinaw ni Claudine.

“Sinalba nya ang buhay ko pero never syang naki alam sa mga decisions ko.basta’t nandyan lang sya pag kailangan ko ng karamay.gusto ko lang talaga malaman ng tao kung gaano kabuti ang idol ko,” patuloy niya.

Sey pa ni Claudine, pinayuhan lang daw siya ni ate Vi na maging matatag para sa mga taong nagmamahal sa kanya at minamahal niya.

“Happy anniversary Ate.mahal na mahal ka naming mga #vilmanians #vilmanianako?,” mensahe pa Claudine sa kanyang idol.

Diego, pinalayas daw ang kanyang mag-ina

Talk of the town ngayon sa social media ang mga naging pahayag ng yoga teacher and model na si Alexis Suapengco, ang ina ng anak ni Diego Loyzaga na si Hailey.

Sunod-sunod ang post ni Alexis sa kanyang Instagram Stories na tila nagsusumbong.

Aniya ay pinalayas siya at ang anak nila ni Diego dahil sa isang girl na nagngangalang Cecile Mendoza.

 “So my baby Daddy @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over (red heart emojis),” pahayag ng rumored partner ni Diego.

Sa ibaba ay makikita ang profile ng social media page ng girl na tinutukoy niya.

Kasunod nito ay nag-post siyang muli na binabantaan daw siya ni Diego.

“@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw  (clapping hands emoji) ok boy bye,” aniya.

As we write ay wala pang pahayag si Diego tungkol sa isyung ito.

Matatandaang unang isinapubliko ni Diego ang kanyang anak noong June, 2023  nang mag-post siya ng larawan niya na karga-karga niya ang kanyang baby.

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with