^

Pang Movies

Eat Bulaga, pinalitan na ng Tahanang Pinakamasaya!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Eat Bulaga, pinalitan na ng Tahanang Pinakamasaya!

Hindi na nga ginagamit ng TAPE Inc. ang Eat Bulaga sa kanilang noontime show simula kahapon at ang narinig naming paulit-ulit na binabanggit ng mga host na title ng kanilang show ay “Tahanang Pinakamasaya.” Hindi natin alam kung final title na ito ng show o pansamantala lang habang wala pang naiisip na title ng show na aakma sa time slot.

Okay sa viewers ang Tahanang Pinakamasaya, para raw iwas bashing at bangayan ng viewers ng dalawang kampo. Para rin daw makapag-move on na ang mga taga-TAPE Inc., TVJ at Legit Dabarkads.

Kaya lang, may mga reklamo pa rin ang viewers, mahaba raw ang title at sana iksian. May nakapansin namang kapareho ng logo ng Sunday Pinasaya, ang da­ting Sunday show ng GMA 7.

Inuulit namin, baka temporary title lang ito pati logo kaya maghintay lang tayo sa susunod na mga araw at baka may iba pang title na maisip ang mga taga-TAPE Inc.

Luis, ayaw madamay sa kaso nina Claudine at Raymart

Mapapanood na uli sa YouTube ang interview ni Luis Manzano kay Claudine Barretto na kung saan, may mga pasabog si Claudine sa ex-husband niyang si Raymart Santiago.

Ilang araw ding naka-private ang interview ni Luis kay Claudine at kung i-o-open sa YT, ang mababasa ay “Video unavailable This video is private.”

Comment ng netizens, marami ang naka-copy ng interview at kumalat na bago pa gawing private, kaya marami na rin ang nakapanood.

Ang nakitang rason kung bakit ginawa itong private ay dahil may gag order pala na bawal magsalita tungkol sa kaso sina Claudine at Raymart. Kaso, nagkuwento nga ito kay Luis, kaya na-open na naman ang kaso ng ex-couple.

Kaya ngayon daw edited at inalis daw ang part na pinag-usapan ng dalawa ang kaso nina Claudine at Raymart.

Ang inalala ng netizens, baka madamay si Luis at ipasara ang YT channel nito dahil sa interview niya kay Claudine. Nag-interview lang naman daw ito at nagsalita ang aktres kaso may gag order pala at nag-react si Raymart via his lawyer.

Anyway, may mga kinikilig kina Claudine at Yasser Marta na magkasama sa Lovers/Liars at sa story ay nagka-affair.

‘Katuwa ang fans ni Claudine, hinanapan nila ito ng boyfriend na sa presscon ng series, inaming ilang taon na siyang single.

Jennylyn at Marian, pareho raw ang kuwento!

Sa mediacon ng Love. Die. Repeat, ang series na pinagtatambalan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim, malalaman natin kung kapareho nga ba ang story nito sa story ng pelikulang Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

May mga nababasa kaming comment na pareho ang story ng series at movie kahit ang movie pa lang nila ang napanood. Sa Jan. 15, 2024 pa ang premiere ng Love. Die. Repeat at doon pa lang malalaman kung pareho ba ang story ng dalawang projects.

Pero sa teaser ng Love. Die. Repeat, may ex-boyfriend ang karakter ni Jennylyn na magiging rason ng aksidente ng karakter ni Xian. Sa Rewind, wala namang ex ang karakter ni Marian.

Excited na ang fans ni Jennylyn na finally, mapapanood na ang comeback series nito pagkatapos ma-delay dahil nagbuntis at nanganak siya. 

EAT BULAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with