Overwhelming ang naging response ng mga manonood sa pelikulang Rewind, ang balik-tambalan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na huling nagtambal sa pelikula in 2010 sa pamamagitan ng pelikulang You To Me Are Everything.
Although walang nakuhang award ang Rewind na dinirek ni Mae Cruz-Alviar under Star Cinema sa Gabi ng Parangal ng 49th Metro Manila Film Festival, hindi ito naging hadlang ng pananatili ng pelikula sa pagiging number one sa box office among the 10 official entries ng tumatakbong Metro Manila Film Festival.
This is the very first time na naka-experience ang mag-asawa ng box-office success sa MMFF.
Samantala, inaabangan na ang pagbabalik-primetime ni Marian sa kanyang pinakabagong teleserye in five years na hindi siya gumagawa.
Muli siyang mapapanood sa My Guardian Alien na pinagtatambalan nila for the first time ni Gabby Concepcion kasama si Max Collins. Kasama rin sa nasabing serye sina Raphael Landicho, Caitlyn Stave, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Tart Carlos, Marissa Delgado, Josh Ford at Christian Antolin.
Ang huling TV series na ginawa ni Marian ay ang Super Ma’am nung 2018.
Although parehong working parents ang mag-asawang Dingdong at Marian, hindi sila nagpapabaya sa kanilang tungkulin bilang magulang sa kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Gabby, ‘di halatang senior!
Former matinee idol Gabby Concepcion turned-60 last Nov. 5 pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang leading man sa kanyang TV projects sa bakuran ng GMA.
In 2016, he was leading man to Sunshine Dizon sa hit TV series na Ika-6 na Utos when the actress was only in her early 30s.
Naging hit din ang dalawang beses na tambalan nila ni Sanya Lopez (27) sa First Yaya in 2021 and First Lady in 2022 at ngayong 2024 ay ang misis naman ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera ang kanyang kapareha sa My Guardian Alien. Marian is 39 na halos kasing edad lamang ng kanyang panganay na anak (kay Sharon Cuneta) na si KC Concepcion.
Kahit 60 years old na si Gabby, napaka-young looking pa rin nito hanggang ngayon kaya pumapasa pa rin siya bilang leading man sa mga batang female leads.
Samantala, sa Amerika nag-celebrate ng Christmas holidays with his family si Gabby, his wife Genevieve Gonzales and daughters Sam and Savannah kasama ang panganay niyang si KC.
Anne, pag-aagawan nina Carlo at Joshua
After nine years, balik sa paggawa ng teleserye si Anne Curtis sa pamamagitan ng Philippine adaptation ng 2020 hit K-drama TV series na It’s Okay Not To Be Okay kung saan niya makakabituin sina Carlo Aquino at Joshua Garcia.
Excited si Anne sa kanyang bagong serye and a movie project with Alden Richards.
Sa kabila ng kabi-kabilang commitments ni Anne bilang actress, TV host and celebrity endorser, binabalanse nito ang kanyang role bilang ina sa kanyang almost four-year-old daughter na si Dahlia Amelie and wife sa kanyang husband na si Erwan Heussaff.