^

Pang Movies

Julia at Coco tini-treasure...Alden, nagsasawa na sa isyung bading!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Julia at Coco tini-treasure...Alden, nagsasawa na sa isyung bading!
Alden Richards

Ah nagkaroon pala ng heart to heart talk sina Alden Richards at Maine Mendoza bago ikinasal ang huli kay Rep. Arjo Atayde.

Ito ang isa sa mga inamin ni Alden sa interview ni Toni Gonzaga para sa vlog nitong Toni Talks.

“Quite honestly, Maine and I had a conversation, like a heart to heart conversation. Recently lang, before she got married. And I told her everything.”

Pero ang isang napagod na raw si Alden ay tungkol sa mga nagtatanong sa totoo niyang gender bilang wala siyang girlfriend.

“Tingin n’yo ganun? Fine! Tingin n’yo bading, fine. Tingin ko nga minsan pag may ganung mga rumor, wala na bang iba?

“Yung judgement call sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin, ang dali. Just because of that fact. Pero ako po, parang…pupunta ba ako sa route na dahil gusto ko na naman mag-please?

“I have my life right now. I’m perfectly happy with what I have and what I’m able to do at the moment. I seize every opportunity, sayang? There’s time for that.

“To the people who know me, like really know me, my friends, and right now, most especially ‘yan si Julia, Julia Montes, direk Irene (Villamor), and si Coco (Martin). Nagulat ako, with just one project, we instantly clicked. To the point na they became part of my life, and I became part of their lives.

“Ang sarap lang sa pakiramdam na you get to meet authentic people pa rin pala. And those people, I tend to treasure.”

Nag-celebrate ng birthday si Alden last January2 at 32 years old na siya.

MMFF,

As of yesterday, naka-P700 million na pala ang Metro Manila Film Festival 2023.

Ayon kay Noel Ferrer, spokesperson ng MMFF, “MMFF has already reached the 700M mark! We all have 5 more days to  support the entries in the 49th MMFF. TULOY LANG TAYO SA PAGBABALIK SINEHAN!!! MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!”

Wow. Sana nga ay umabot ng P1 billion.

Jhong, naranasan ang malakas na lindol

Na-video ni Jhong Hilario ang lakas ng lindol sa Japan. Nasa bakasyon sila ng kanyang pamilya sa Osaka.

Nasa 22nd floor daw sila at talagang makikita sa ini-upload niyang video ang lakas ng uga ng building na tanaw sa bintana ng hotel nila. “Earthquake in Osaka, Japan from the 22nd Floor. Thank you Lord, safe kami lahat. Praying for those who are affected,” ang caption niya sa nasabing video.

Kasama niya ang misis na si Maia at anak nilang si Zarina sa hotel room.

Inaaya siya ng misis na bumaba at maghagdan na lang daw sila. “Sabi ko, hindi gagana talaga ‘yung elevator ‘pag ganyan eh. Saka mahirap ‘pag nai-stuck ka sa elevator, hindi ka makakalabas na. ‘Pag nag-stairs naman kami, sobrang taas eh meron kaming dalang bata,” sabi niya sa reel video.

Safe naman daw silang nakababa pero nang tanungin daw niya ang room service na nakita niya, sabi raw nito na normal na ganitong pag-uga.

Pia, napagkamalang may sanggol na sa tiyan

Parang may sagot si Pia Wurtzbach sa mga comment na may baby bump siya.

Marami ngang bikini pictorial ang former Miss Universe kasama ang asawang travel influencer / businessman sa Maldives.

Meron agad siyang Instagram story na nasa gym at nag-workout.

At if ever na may baby bump may asawa naman kasi, si Jeremy Jauncey kaya expected na mabubuntis ang dating beauty queen.

Or baka naman sa anggulo lang.

Ganunpaman, sexy pa rin siya.

Bong, maganda ang pasok ng 2024

Bongga ang pasok ng 2024 kay Senator Bong Revilla.

Bukod sa planado na ang season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis at probably isang pelikula na pang-MMFF, tumaas din pala ang ranking niya mula ninth, naging sixth place sa latest 2025 senatorial preference survey ng OCTA Research mula December 10 to 14, 2023.

“Napakaganda po ng pasok ng taon para sa atin sapagkat damang-dama ko po na patuloy tayong pinagkakalooban ng tiwala ng ating mga kababayan,” chika ng senador-aktor.

“Marahil ay dulot ito ng pagbubunga ng ating mga pagsisikap sa Senado para makapagpasa ng mga makabuluhang batas na malaki at direkta ang mga benepisyo para sa mamayanang Pilipino,” dagdag ni Sen. Bong.

Impressive nga naman ang track record ng mister ni Lani Mercado dahil bilang three-term senator, siya  ang principal author ng iba’t ibang Senate Bills tulad na lamang ng Senate Bill No. 2028 o ang “Revilla Bill,” na naglalayong i-expand ang coverage ng Republic Act No. 10868 o “Centenarians Act of 2016” sa senior citizens mula 80 hanggang 90 anyos.

Approved na ito ng both Houses at naghihintay na lamang ng pirma ni Presidente Bongbong Marcos.

Isinusulong din niya at ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang P150 across-the-board daily wage increase.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with