^

Pang Movies

Jiro Manio, binenta ang Best Actor Trophy

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jiro Manio, binenta ang Best Actor Trophy
Jiro Manio

Nakakalungkot naman ang pagpasok ng 2024 para sa former award-winning child actor na si Jiro Manio.

Sa latest episode ng programang Pinoy Pawn Stars with Boss Toyo, makikitang binebenta ni Jiro ang kanyang Gawad Urian 2004 Best Actor Trophy na napanalunan niya sa pelikulang Magnifico.

Unang asking price daw ni Jiro ay P500K para sa binebentang trophy. Tumawad si Boss Toyo ng P50K. Pero nagkaayos sila sa presyong P75K.

Ano kaya ang comment ng mga miyembro ng Gawad Urian sa ginawa ni Jiro?

Hindi na nga binalikan ni Jiro ang showbiz pagkatapos siyang masangkot sa paggamit ng pinagbabawal na droga at aminin na nagkaroon siya ng anak sa edad na 15.

Sinubukan siyang tulungan ng ilang taga-showbiz para mapa-rehabilitate siya noong nakita siyang nanlilimos sa airport. Pero sinukuan din siya.

Pero nagawa ring magpa-rehabilitate ni Jiro at nakapagtapos pa ng high school. Ngayon ay isa siyang volunteer counselor sa DOH Bataan Rehabilitation.

Euwenn, pangarap maging superhero

Matapos manalo sa Metro Manila Filmfest bilang best child performer para sa Firefly, sinabi ni Euwenn Mikaell na isa sa mga gusto niyang gampanan na role ay ang maging superhero. Gusto rin niyang maging kontrabida balang-araw. “Superhero po, kahit ano pong superhero, ‘tapos po villain, parang kontrabida po. Challenge po kasi. Gusto ko pong maranasan na parang laging galit dati,” sey ni Euwenn.

Two years old pa lang daw siya ay gusto na niyang mag-artista. Naalala pa ng child actor na gumagawa pa lang siya noon ng mga commercial nang makita kung gaano kagaling ang ibang mga artista.

Bukod sa pagiging artista, nabanggit din ni Euwenn na gusto pa rin niya maging isang businessman paglaki. Na-inspire siya sa kanyang papa at lola na nasa business din.

Proud na binalita ng Oscar winner na si Michelle Yeoh na isa na siyang lola sa pagpasok ng bagong taon.

Nag-share sa social media ang 61-year old actress ng photos ng kanyang grandchild na si Maxime mula sa wife ng anak ng husband niyang si Jean Todt na si Nicolas. Sinilang ni Darina Todt ang baby noong January 1, 2024.

“A little miracle on the first day of 2024. We are so truly blessed… can’t tell u how happy I am for this very very special bundle of joy. Thank you darling Nicolas and Darina for making us the happiest and proudest Grandparents!! Welcome baby Maxime.” caption pa ni Yeoh.

vuukle comment

JIRO MANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with