^

Pang Movies

Japan na paboritong destinasyon ng Pinoy celebs, nilindol

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Japan na paboritong destinasyon ng Pinoy celebs, nilindol

Ang daming celebritries ang nag-celebrate ng Christmas holidays in Japan at ilan sa mga ito ay ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista and her twin stepchildren (sa kanyang mister), ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasama ang panganay na anak na si Ruffa Gutierrez at dalawa nitong anak na sina Lorin at Venice, ang younger brother ni Ruffa na si Elvis kasama ang wife nito at dalawang anak. Ganundin si Richard.

Naroon din ang lady big boss ng Beautederm na si Rei Anichoche-Tan and her family ganoon din si Sylvia Sanchez and her family at marami pang iba.

Nandun din ang pamilya nina Manny and Jinkee Pacquiao.

Nagiging favorite destination ng Filipino celebrities ang Japan dahil bukod sa malapit at magagandang tourist destinations, napakalinis at masasarap ang pagkain bukod pa sa napaka-polite at honest ang mga Hapon.

Sana lang ay walang Pinoy na naapektuhan sa malakas na lindol sa Japan noong bagong taon kung saan tumama ang 7.6 magnitude na lindol.

Regine, uulitin ang rock concert

Asia’s Songbird, singer, actress, host and celebrity endorser Regine Velasquez  is mounting her repeat concert ng kanyang sold-out concert nung nakaraang November 2023 ng kanyang Rock Concert at the SM MOA Arena sa darating na April 19, 2024 na pinamahalaan ni Paolo Valenciano.

Hindi akalain ng misis ni Ogie Alcasid na papatok ang kanyang kauna-unahang rock concert since mas kilala siya ng tao bilang pop artist more than a rock artist.

Ang brother-in-law ni Regine na si Raul Mitra ang tatayong musical director ng concert.

Bukod sa pagku-concert, si Regine ay may dalawang regular TV programs sa ABS-CBN, ang daily morning show na Magandang Buhay with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros at ang Sunday musical variety show, ang ASAP Natin `To kung saan din isa sa mainstays ang mister niyang si Ogie Alcasid.

CHIZ ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with