Local serye, paulit-ulit na ang kuwento

Baka mabalik ako sa pagi­ging Korean addict pag hindi pa rin kami naging active sa mga lunch chikahan.

Buong araw kasi nasa TV nakatuon ang mga mata ko lately. At dahil kahit anong sabihin mo, mas exciting talaga mga koreanovela kaya sa KBS channel ako laging nanonood na talagang ang bongga ng mga palabas na drama series. At walang commercial break.

Guilty nga ako pero talagang hindi mo naman ako masisi dahil talagang magaganda ang istorya nila.

Huwag mo naman ipilit panoorin ko iyon isang pa-macho na star na paborito yata ng istasyon kaya maraming project.

Naku kahit sabihin pang kopya, mas gusto ko pa na gayahin na lang nila ang istorya ng mga Korean series kesa sa mga lumang istorya at mga agawan sa BF/GF na laging ginagawa ng mga local show.

Dapat talaga na i-upgrade mga story natin para maging mas exciting. 

Naku sana talaga marinig nila ang wish kong ito na mag-iba naman ng kuwento ang mga local teleserye natin.

Nakakasawa na nga minsan ang mga palabas ha kaya hindi lang ako ang naloloka sa koreanovela kundi marami pang iba.

Hay naku nabawasan na sana ang aking pagkaadik sa K drama pero dahil walang masyadong lakad at nasa bahay lang ako, enjoy ulit ako sa panonood nito.

Hahaha. Bongga.

 

Show comments