Jericho at misis, wala sa hitsurang hiwalay na
Bakit sa Instagram ni Jericho Rosales walang nagtatanong kung totoong hiwalay na sila ng wife niyang si Kim Jones? Sa IG ni Kim sumugod ang mga Marites at tinanong ito kung totoo ang blind item.
Pero, sorry sa mga nagtatanong, hindi sila sinagot ni Kim at mas may alam pa ang netizens dahil may sumagot na hiwalay na ang dalawa at ang maganda, nanatili raw silang magkaibigan.
Kung babasahin nga ang mga comment, may convo pa sina Jericho at Kim. Nag-post si Kim ng “May no family bonds be broken over scrabble victories” na sinagot ni Jericho ng ‘Try to fake lose for once, Kim. Your mom is still on the game table wearing tears on her face.”
Sagot ni Kim, @jerichorosalesofficial lol she’s ruthless who she kidding.”
Sa convo ng dalawa, para namang okay sila, kaya may followes si Kim na nakiusap to give Kim a break at ‘wag nang tanungin. May nagpaalala rin na hindi obligasyon nina Kim at Jericho na kumpirmahin ang status nila. Respetuhin daw ang dalawa at unahin ng mga tsismosa ang buhay nila.
Ang mga kaibigan nila, ayaw ding magpa-bother sa tsismis at tuloy ang pagwi-wish nila sa dalawa ng happy new year.
Sa mga comment ng friends nila, parang hindi sila naniniwalang hiwalay na ang dalawa.
Kim, hinahanapan ng tamang lalaki
Tungkol sa wedding nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ang post ni Kim Chiu, pero napunta kay Kim ang comment. Nag-post kasi si Kim ng wedding photo ng mga Homan at may maganda siyang caption.
“12-31-23 Witnessed a love that is everlasting, love that comes in perfect timing, love that is unconditional, and love that deserves to be felt by one another. Congratulations momsy @iamangelicap and @gregg_homan.
“I felt blesses to witness this beautiful ceremony. I can’t miss this! Love you, Momsy Angge! Thank you, @gregg_homan for loving our momsy, alagaan mo ang momsy namin forever!”
Ang mga comment ng fans ni Kim ay “Yung tamang lalaki para sayo Kim darating din.”
“Hopefully Kimmy will get the right guy/partner in life.”
“Kimmy your time will come God has a better plan for you,” at “Praying for your future husband Kim.”
May nagtanong kung sino ang nakasalo ng boquet at kung si Kim daw ang nakasalo, siya ang susunod na ikakasal.
Kaya lang, walang boyfriend si Kim ngayon.
Sabagay, hindi naman agad-agad ikakasal si Kim, darating pa lang ang right guy for her at payo ng mga paladesisyong fans, ‘wag na raw artista at taga-showbiz ang sunod na mahalin ng aktres para may forever na siya.
Ricci at Leren, magkasamang nagpaputok
Magkasama sina Ricci Rivero ang Leren Mae Bautista noong New Year’s Eve at tila sa Baguio City nila sinalubong ang Bagong Taon. Kasama nila ang pamilya at kaibigan at ang sweet ng caption ni Ricci na “Happy New Year, My Love.”
Kaya lang, hindi masaya ang netizens sa sweetness nila. Ang mean pa rin ng mga comment na parang tita ni Ricci si Leren.
Mas marami nga lang ang positive ang comment gaya ng beauty queen si Leren at kahit walang make-up maganda pa rin. May comment naman na sine-shade si Andrea Brillantes na dahil hindi maganda ang mga sinabi, hindi na namin isinulat.
Mabuti na lang at may namagitan at tama ang sinabi nitong hindi kailangang i-compare sina Leren at Andrea. Mga isip bata lang daw ang may ganitong mindset at mag-move on na ang mga nag-aaway na fans nina Ricci at Andrea lalo na at masaya na pareho ang ex couple.
Mukhang magtatagal pa ang parinigan at pag-aaway-away ng fans nina Ricci at Andrea at fans na rin ni Leren.
- Latest