Ate Vi at Cedrick, biktima ng mga bitterana

Cedrick Juan

“Kahit na ano pa at ilan pang acting award ang makuha mo kung hindi ka national artist balewala ka,” sabi ng isang kilalang “bitterana” sa showbiz.

National artist ba ang batayan? Na ang tinutukoy diumano ay ang pagkapanalo ni Ate Vi (Vilma Santos) sa ika-49 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

Gaano ba kahalaga ang national artist? Ang national artist award ay nilikha ng isang batas na ginawa ng dating Presidente Ferdinand Marcos, para parangalan ang mga natatanging alagad ng sining, pero hindi nangangahulugan na kung wala ka ng award na iyan balewala ka.

Ang pagiging national artist ay hindi batayan ng kahit na ano. Iyon nga lang may natanggap silang 200,000 nang ideklara, may sustento buwan-buwan na hindi naman malaki, at kung gugustuhin ng kanyang pamilya maaari siyang ipalibing sa libingan ng mga bayani pagka namatay siya.

Marami talagang napaka-bitter sa nakaraang MMFF.

Biktima rin ang best actor na si Cedrick Juan, na gumanap na Padre Jose Burgos sa pelikulang GomBurZa.

Dahil sa pagkapikon ng mga ‘bitterrana’ na ang nanalo ay isang hindi kilalang actor sa pelikula at tinalo mabilis silang ‘gumanti.’ Hinanap nila ang mga mahahalay na litrato ni Cedrick Juan nang siya ay gumanap sa isang role sa pelikulang Two in One ng Vivamax.

 Isa lang paalala, malapit na ang bagong taon magbago na sana ang mga ‘bitterrana .’

Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat.

Dating sikat na aktor na si Alfie Anido, inalala ang pagkamatay

Throwback lang ulit kami noong 1981, bale 42 taon na ngayon ang nakararaan ay may naalala kaming istorya.

Birthday noon ng sikat na actor na si Alfie Anido. Para mag-celebrate nagpunta siya sa isang resort sa Antipolo kasama ang kanyang mga piling kaibigan. Pero habang sila ay nagkakasiyahan, may masamang balitang dumating na ipinag-init ng ulo ni Alfie. Sina­sabing nag-suicide raw si Alfie sa kanya mismong silid sa bahay nila sa Bel-Air Village sa Makati. Nagbaril daw sa sarili pero ang mga kapitbahay ay walang narinig na putok.

Kaibigan namin si Alfie. Alam namin ang mga ugali niyan. Lumabas ang kanyang pictures duguan sa tama ng baril pero naka-briefs lang. Napaka-proper na tao niyang si Alfie, hindi kami naniniwala na magpapakamatay siya nang ganoon ang ayos niya.

Isa pa, ang naunang lumabas sa isang evening newspaper noon namatay siya sa isang car accident. Kinabukasan suicide na. Wala ring nakuhang report ang pulisya, maging ang hepe noon ng pulisya ng Makati.

Well anyway, nangyari na iyon at 42 taon na ang nakalipas.

Ipanalangin na lang natin ang kanyang kaluluwa dahil sa araw na ito ay nagdiriwang siya ng kanyang ika-62 taong kaarawan at ika-42 taon ng kanyang kamatayan.

 

Show comments