^

Pang Movies

Gomburza, humakot ng award sa MMFF Firefly best picture

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gomburza, humakot ng award sa MMFF Firefly best picture
Cedrick Juan

Vilma at Cedrick parehong nagulat sa pagkapanalo ng best actress at best actor awards Miles muntik malusutan sa best supporting actress

Humakot ng maraming awards ang tinatawag ng marami na biggest historical film of the new decade sa ika-49 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

Binahagi ang istorya ng tatlong paring martir ng kasaysayan, ang pelikulang GomBurZa ay nanalo ng 2nd Best Picture, Best Actor Award, Best Director Award, Best Cinematography, Best Production Design, Best Sound Design at ang espesyal na Gawad Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award na patunay kung gaano itong na-appreciate ng hurado ng MMFF.

Ang aktor na gumanap bilang Fr. Jose Burgos na si Cedrick Juan ay naluha nang tanggapin ang kanyang parangal bilang Best Actor habang nagpapasalamat sa mga taong nagtitiwala sa kanya at sa mga teatro na tumulong sa kanya na maging mahusay na aktor.

“We’re not really working for it, like fame and big names. We’re going to work for the right representation and, at the same time, ‘yung pagbibigay ng boses sa mga oppressed, ayun mas doon talaga ‘yung work namin talaga, as an artists. Sana lahat ng artists ‘yun din ‘yung i-work nila kasi ‘yun yung pinakamalaking kontribusyon natin. So kung may bibigay sa’kin sa universe si Lord this coming 2024, in the coming years i’ll be hundred percent give all my heart and soul for it. ‘Yun lang po,” pahayag ni Cedrick pagkatapos tanggapin ang Best Actor trophy.

Tinanggap naman ni Direk Pepe Diokno ang Best Director award at nagpasalamat sa suporta ng lahat ng tumulong sa kanya na gawing isang makabuluhang pelikula ang GomBurZa na nagbigay ng mas malalim na paliwanag sa kung paano nabuo ang nasyon mula sa pakikibaka at sakripisyo nina Padre Mariano Gomes, Jose Burgos at Jacinto Zamora.

Nominated rin sina Dante Rivero at Enchong Dee sa Best Supporting Actor award para sa kanilang pagganap bilang Padre Gomez at Padre Zamora.

Ang pagganap ng tatlong bida sa GomBurZa, kasama ang angking galing ni Direk Pepe Diokno sa visual storytelling, ay nagbunga rin ng magandang feedback mula sa mga manonood at kritiko dahil sa maayos na paglalarawan ng kasaysayan, nasyonalismo at katapangan ng ‘Los Filipinos.’

Ang tagumpay din ng pelikula sa ika-49 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal ay nagpapatibay hindi lang bilang cinematic gem kundi bilang isang pagbibigay-pugay sa makulay na kasaysa­yan ng bansa at sa dedikasyon ng tatlong pari para sa kanilang pangarap para sa pagkakapantay-pantay at katarungan.

By this time ay nadagdagan na ng sinehan na palabas ang GomBurZa kaya sa mga hindi pa nakakapanood pwedeng humabol upang alamin kung bakit nag-aalab ang interes ng mga tao para mapanood ang pelikulang ito.

Ang mga pelikulang kasali sa MMFF ay mapapanood sa mga sinehan hanggang Enero 7.

Ang saya rin panalo ni Miles Ocampo bilang Best Supporting Actress.

Hindi tinawag ang pangalan niya sa mga nominee. Tatlo lang ang nabanggit ng presenter na si KaladKaren.

Pero sandaling na-pause ang production na parang nagtataka rin si KaladKaren.

Hanggang banggitin ng host na sina Giselle Sanchez and Eisel Serrano na kasama ang pangalan ni Miles sa nominees.

Para ito sa mahusay na pagganap niya sa Family of Two starring Sharon Cuneta and Alden Richards.

At nang i-announce ang winner, pangalan ni Miles ang tinawag.

Tinalo niya sina Agot Isidro, Alessandra de Rossi, Gloria Diaz at Janella Salvador.

Ayon kay Miles, 27 years old na siya at six years old siya nag-umpisang umarte pero ngayon lang siya nakatanggap ng award. “Sobrang pinag-isipan ko po kung tatanggapin ko itong project na ito. Kakatapos ko lang pong operahan baka sabihin mukha akong nanay ako ni Alden (girlfriend siya ni Alden),” bahagi ng speech ni Miles.

After the awarding ceremonies ay tinanong namin siya ng reaction sa nangyari “kasi hindi ko rin po alam. Si Alden saka si mama (Sharon) ‘yung nagre-react na, bakit may lumabas na clip pero hindi naano but yeah nagkaproblema lang po siguro pero nakuha naman po natin.”

Samantala, nanalo namang Best Supporting Actor si JC Santos para sa pelikulang Mallari na hanggang kahapon ay tuloy ang pagti-trending.

Narito ang pangalan ng iba pang nanalo.

Best Picture-Firefly

2nd Best Picture- GomBurZa

3rd Best Picture- Mallari

4th Best Picture- When I Met You In Tokyo

Best Actress- Vilma Santos of When I Met You In Tokyo

Best Actor- Cedrick Juan of GomBurZa

Best Director - Pepe Diokno of GomBurZa

Best Supporting Actress- Miles Ocampo- Family of Two

Best Supporting Actor- JC Santos of Mallari

Best Child - Euwenn Mikaell (Firefly)

Best Screenplay- Firefly

Best Sound- GomBurZa

Best Musical Score- Mallari

Best Original Themesong- Becky & Badette

Best Visual Effect- Mallari

Best Production Design- GomBurZa

Best Editing- (K)ampon

Best Cinematography- GomBurZa

Gender Sensitivity Award- Becky & Badette

Marichu Vera Perez Maceda Memorial Award-

Mother Lily Monteverde

Fernando Poe Jr Memorial Award for Excellence - When I Met You In Tokyo

Gatpuno Villegas Memorial Award- GomBurZa

Best

*Walang award na napanalunan ang Rewind, Penduko and Broken Hearts Trip.

CEDRICK JUAN

MMFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with