^

Pang Movies

Kim, nagpainit pagkatapos ng Pasko

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kim, nagpainit pagkatapos ng Pasko
Kim Chiu

MANILA, Philippines — Wala nang trace na nagkasakit si Lakam Chiu, ang eldest sister ni Kim Chiu nang makita ko before Christmas.

Magaling na magaling na siya at todo ang pasasalamat sa Diyos at kanyang buong pamilya. “Grateful to have been able to spend the Holidays with you and the rest of the family… #priceless #familyislove #treasure #mystrength #myeverything #mypurposeinlife? #love Have a Merry Christmas Everybody…,” ang last post ni Kam kasama ang kanyang pamilya habang nasa Balesin island after Christmas.

Si Ate Kam ang tumatayong nanay ni Kim kaya naman nung nagkasakit ito, talagang hindi tumigil sa pagdarasal at nanghingi pa ng tulong sa fans para gumaling ang kanyang ate si Kim.

April 19 this year nang isapubliko ni Kim na-hospital ang kanyang ate. “Today is different. I wish it were different. Before today ends, I want to say Thank You for all your greetings and well wishes. Thank you for the flowers, cakes, and meaningful birthday messages you sent here online and personally. I’m sorry I couldn’t answer all your messages.

“Kung may hihingin man akong regalo sa inyo ngayon yun ay prayers para sa ate Lakam ko. Everything happened in a snap of a finger,” sabi ni Kim that time.

Na-disharge si Ate Kam last May 5 base na rin noon sa post niya. “I was discharged from the hospital on Friday, May 5, 2023 — my 18th day of confinement. I was in a very critical stage for the first 5 days. Unable to talk, hear, and see. I couldn’t even imagine I was able to get through it…  Being in this kind of situation is no joke. My family had to make a life changing decision w/out them knowing if I could make it or not.”

Pagkatapos gumaling at bumalik ang lakas ay nag-travel si Lakam sa Italy, sa Shrine of Padre Pio in San Giovanni Rotondo. Mas lumakas nga ang kapit nila kay Padre Pio nang magkasakit siya. “Finally I was able to visit Padre Pio in San Giovanni! my heart is full and thankful that I was able to witness your grace and power. Thank you Padre Pio trully PRAY, HOPE AND DON’t WORRY. #believe #faith #purpose.”

Ngayon ay si Ate Lakam ang nakaalalay kay Kim matapos ang breakup nito kay Xian Lim.

Anyway, super sexy si Kim sa nasabing getaway nila sa isla “Opacarophile. Grateful for small things, big things and everything in between!”

Daming fans niya ang natuwa na dapat daw talaga ganun, ipakita niya ang kaseksihan niya para manghinayang si Xian.

Rob, Bianca, Herlene, natabunan na agad

Parang ang bilis natapos ng kontrobersya kina Bianca Manalo, Rob Gomez and Herlene Budol.

Mabilis na in-assure ni Sen. Win Gatchalian na hindi pwedeng wasakin ang kanilang relasyon ng ‘fake news.’

Si Herlene naman ay nagbantang magdedemanda sa magkakalat pa ng supposedly ay laswaan at landian nila ni Rob.

At si Rob Gomez ay nagpabinyag ng anak sa partner niyang si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera.

Before Christmas nga ay kumalat ang convo diumano nila na expected naman talagang idi-deny nila.

Kadiri ang usapan, laswaan, landian. As in bawal sa mga bata.

May kainan pa. May naka-upload pa du’ng pregnancy test, pero isang guhit lang.

Pero ba’t kaya sa kabila nang nasabing kontrobersya, hindi dumami ang followers ng actor? Sa huling check ko almost 90,000 lang ito sa Instagram.

Saka natabunan din kasi sila ng breakup nina Kim Chiu and Xian Lim.

‘Di hamak naman kasing mas may pangalan ang KimXi.

Jennica, forever na si Christian

May relasyon ba sina Christian Bables and Jennica Garcia?

‘Yan ang tanungan nila matapos mag-post si Christian ng slepping photo ni Jennica sa kotse: “Sa Disney Princess na parang umiilaw pag natatapatan ng araw, mahal na mahal kita. Hindi ako mapapagod asarin ka at iparamdam sayo paulit ulit na ang sarap sarap ko. Tigilan mo nang pag pantas­yahan ako please, nakaka pagod na. Happy birthday, mahal ko! Mam.”

Sumagot actually si Jennica sa nasabing post ng actor: “Birthday na Birthday ko pinagdidilim mo paningin ko! Sa dami ng pwedeng ipost na picture pisti ka, mahal kita. Thank you tol!!! Alabyu pureber!”

Bagama’t marami rin namang may duda na platonic love lang ito, walang pisikalan kumbaga at pang-social media lang, pero baka rin naman.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->