^

Pang Movies

Maja, natupad ang wish na dragon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Maja, natupad ang wish na dragon
Rambo at Maja

MANILA, Philippines — Isa ang asawang si Rambo Nuñez sa pinaglilihian ni Maja Salvador na kasalukuyang preggy sa kanilang first baby.

Ani Maja, ayaw raw niyang mahihiwalay sa asawa ngayon at gusto niya’y lagi silang magkasama.

“Si Rambo talaga, ‘di pa siya umaalis ng bahay, ‘anong oras ka uuwi?’ gano’n. Pero ano, lagi mo lang siyang hinahanap. Lagi ko lang siyang hinahanap-hanap,” sey ni Maja sa panayam ni MJ Marfori.

Kwento pa ng aktres, ‘pag naiiwan daw siya sa bahay ay umiiyak siya kay Rambo.

“Umuuwi siya, umiiyak ako kasi feeling ko, I’m alone. ‘Yung ganu’n,” natatawang tsika ni Maja.

“Pero hindi niya pinapa-feel ‘yun, ha? Siguro, hormones lang,” dagdag pa niya.

That’s why, gusto rin daw niyang mag-work habang buntis siya at hindi naman daw siya pinagbabawalan ng kanyang mister.

“May consent naman ng doktor ko na I can still work. Thank God, healthy ang baby, healthy ang pregnancy natin. Kaya continuous pa rin ‘yung trabaho. And nilambing ko rin kay Rambo,” aniya.

Excited na ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang first baby at kahit boy or girl daw ay okay sa kanila lalo pa nga’t natupad ang wish nila na maging Dragon baby ito, meaning ipapanganak ito sa Year of the Dragon next year.

Shawie, tuloy ang pagpaparinig sa ‘di loyal

Maraming ginulat si Sharon Cuneta sa sunud-sunod na cryptic post niya sa kanyang Instagram Story na may kaugnayan sa loyalty.

“Loyalty is hard to find. Trust is easy to lose. Actions speak louder than word,” ang isa sa posts niya.

Nasundan pa ito ng isa hugot na ganito naman ang nakasaad: “Loyalty is about people who stay true to you behind your back.”

At isa pa – “Boom!!! And only YOU! No sidekicks. Yuck. You deserve someone who is utterly obsessed with you.”

At ‘eto pa – “EXACTAMENTO Bro!!! Bawal two-faced! (emojis). You deserve to be loved and to be missed. You deserve to have someone who notices the emptiness in the air when you are not around.”

Bukod dito ay nag-post din siya ng reels na nagpapakita ng loyalty ng mga aso na tila ipinamumukha na mas tapat ang mga ito.

We wonder kung sino ang pinatutungkulan ni Shawie pero sa isang thread sa internet ay hinihinala ng netizens na patungkol ito sa mister niyang si Kiko Pangilinan. “OMG! hiwalay na nga yata si Sharon at si Kiko,” komento ng isang netizen.

“For the 2nd time, the loyalty issue on her hubby,” saad naman ng isa pa.

“Damn. This is sad. For someone who has practically everything, except her husband’s loyalty. Lungkot naman. End it mega. For your own peace of mind and sanity. Ang kalat na sa socmed. But I still won’t watch your movie,” sey naman ng isa pang internet user.

Pero may mga humuhula rin naman na hindi si Kiko ang pinatutungkulan ni Mega.

“I don’t think it’s about her husband haha more on nagpaparinig sya about someone else… kasi may post sya for her husband eh na maswerte sya,” sey ng isang netizen.

“But she just posted how Kiko is a good man or a man who is loyal. How can you assume this is about Kiko?” sabi naman ng isa pa.

Bago ito ay may appreciation post pa si Shawie kay Kiko at nagpasalamat sa mister.

Kaya pwede namang hindi para kay Kiko ang mga hugot post ni Sharon about loyalty. Pwedeng sa isang kaibigan niya or relative. And knowing Mega, one of these days ay ire-reveal niya rin ito.

MAJA SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with