^

Pang Movies

David, hinanap sa bagong bahay ni Barbie!

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
David, hinanap sa bagong bahay ni Barbie!
Barbie at Magulang

MANILA, Philippines — Wala na sigurong mas sasaya pa kay Barbie Forteza dahil natupad ang kanyang Christmas wish na makalipat na sa bagong bahay nila.

Sinimulan ang construction ng bahay niya noong February at lagi niyang pinagdarasal na matapos ito bago sumapit ang Pasko. Bale ito na ang pinakamalaking regalo ng Kapuso Primetime Princess sa sarili at sa kanyang pamilya.

Sa Instagram, pinost ni Barbie ang ilang Christmas photos kasama ang kanyang mga magulang at siyempre, present ang boyfriend niyang si Jak Roberto. Makikita na masaya silang nagse-celebrate ng Noche Buena sa bagong gawang bahay ng Sparkle actress. “Merry Christmas from Casa Forteza,” caption ni Barbie sa kanyang post.

Binalikan niya ang unang pag-announce niya sa social media in November 2022 na sa wakas, makakapagpatayo na siya ng matagal na niyang pinapangarap. Kahit na busy at nagkasunud-sunod ang projects niya, hindi niya binitawan ang dream niya para sa bagong bahay.

“Dear self, I am so proud of you. Keep doing what you’re doing and don’t forget to have fun while you’re at it,” caption pa ni Barbie sa isang post.

May BarDa fans na hinahanap ang ka-loveteam ni Barbie na si David Licauco at bakit wala ito sa bagong bahay ni Barbie?

Napag-alaman na nasa Hong Kong ito at doon nag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya nito.

For 2024, pinaghahandaan na ni Barbie ang kanyang karakter sa historical action-drama ng GMA para sa 2024 na Pulang Araw.

Dito ay gaganap siya bilang isang vaudeville star sa panahon ng mga hapones sa Pilipinas. Makakasama niya rito sina Alden Richards, Sanya Lopez at David Licauco.

LJ, wala nang balak balikan ang career sa showbiz

Ramdam mo ang happiness kay LJ Reyes nang mag-celebrate ito ng first Christmas kasama ang kanyang mister na si Philip Evangelista.

Kasama sa Christmas photo nila LJ at Philip ang kanyang mga anak na sina Ethan Akio and Summer Ayana. Mga anak ito ni LJ sa dating partners na sina Paulo Avelino at Paolo Contis.

Mukhang wala pang balak na umuwi ng Pilipinas si LJ dahil wala naman siyang dahilan para magbakasyon dito. Nasa New York na ang kanyang kapatid at ina, pati na ang mga anak niya.

Kung showbiz career ang pag-uusapan, mukhang kuntento na si LJ sa narating niya dahil nanalo na siya ng best actress award mula sa Gawad Urian noong 2016 para sa pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan.

Taylor, sa piling ni Travis nag-xmas

Hindi sa New York or sa Rhode Island nag-celebrate ng Pasko si Taylor Swift kundi sa Kansas City, Missouri para suportahan ang kanyang boyfriend na si Travis Kelce sa Christmas Day game nito laban sa Las Vegas Raiders.

Nakunan ang Cruel Summer singer sa Arrowhead Stadium kasama ang kanyang parents na sina Andrea and Scott para suportahan ang Kansas City Chiefs. Suot ni Taylor ay black jacket, plaid skirt, black tights and a Santa hat na may number 87. Kasama rin nila ang kapatid niyang lalake na si Austin na naka-Santa Claus outfit.

After the game ay nakunang naka-holding hands sina Taylor at Travis.

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with