Francine, nagsalita sa intriga sa kanila ni Andrea!

Francine Diaz

MANILA, Philippines — Nagsalita na si Francine Diaz para linawin ang tungkol sa issue nila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Nag-Instagram Live ang young actress last Dec. 23 ng gabi at halatang punung-puno na siya sa mga pangba-bash na natatanggap niya at ng kanyang pamilya.

Binalikan kasi ng netizens ang nangyari noong New Year 2022 kung saan ay nagpunta si Seth sa bahay nila Francine na naging dahilan para isipin ng mga tao na magdyowa sila’t inaahas nila si Andrea na that time ay ka-loveteam (or karelasyon) pa ng young actor.

Sinariwa ulit ito ng fans ngayon at bina-bash na naman nila si Francine at ang kanyang pamilya.

Sa IG Live ni Francine ay nilinaw ng young actress na wala siyang inagaw at alam daw ito ni Andrea.

“I respected Blythe (Andrea) and of course, nirespeto ko ang loveteam nila noon. Wala akong inagaw,” pahayag ni Francine.

Nilinaw rin niyang hindi siya sinugod ni Andrea sa dressing room.

“Gusto ko lang linawin sa inyo na hindi niya ako sinugod sa dressing room but tinawagan niya ako and she was mad, she was aggressive and ‘yun, parang the next few days, ang gulo na and ang dami nang sinasabi sa akin ng mga tao,” sey ng young actress.

“Wala akong inagaw and stop the hate. Kung anuman ‘yung naging problema ni Blythe at ni Seth no’n, sa kanila ‘yun. Labas ako do’n. At kung anuman ang problema nila ngayon, labas ako do’n.

“Huwag n’yo na akong idamay. Huwag n’yo nang i-drag ‘yung name ko because na-bash ako sa problema na meron sila ngayon at ‘yung problema nila noon. Hindi ako ang tao para magsalita sa kung ano nangyayari sa kanila,” paglilinaw pa ni Francine.

Nag-join din si Seth sa IG Live at pinatotohanan din ang sinabi ni Francine.

“Unang-una, walang inagaw si Chin (Francine). Walang nang-agaw, okay?” mariing sabi ni Seth.

“Matagal na ‘tong issue na ‘to, ang kukulit ng lahi n’yo. Nanahimik si Francine at ang pamilya niya, idinadamay n’yo pa. Bakit ba kayo gigil na gigil sa kanila,” sey pa ng young actor.

Ipinaliwanag din niyang kaya siya nagpunta sa bahay nina Francine noon ay para humingi ng dispensa.

“At kung merong dapat sisihin dito, siguro, ako. Okay? Ako po. Kasi kung hindi po ako pumunta sa dressing na ‘yun at walang picture lang... mga ummm, nanggigigil ako sa inyo! Story lang, nag-trigger na ang lahat ng mga kung anong dapat ma-trigger,” sabi pa ni Seth.

Natatawa ring pagbabanta ng aktor, “huwag n’yo pong idamay ang mga kapatid ni Chin. ‘Pag pinagdadamay n’yo talaga... talaga, talaga.”

Dagdag pa niya, “nandito ako para sa kaibigan ko, okay? Hindi kami nandito para magpasikat o sumakay sa mga issue na ‘yan. Wala kaming pakialam. Nandito ako para linisin ang pangalan ng kaibigan ko.”

Sa huli, sey pa ni Seth, “guys, magmahalan na, magpa-Pasko na, magbago-bago na!”

Show comments