^

Pang Movies

Luis at Jessy, magproprodyus ng sitcom kasama si ate Vi

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Luis at Jessy, magproprodyus ng sitcom kasama si ate Vi
Jessy, Peanut at Luis

MANILA, Philippines — Fatherhood becomes Luis Manzano who is a doting father sa kanyang first born at misis niyang si Jessy Mendiola na si Isabella Rose Tawile Manzano or Baby Peanut.

Although it was only nung Feb. 21, 2021 nag-asawa ang kaisa-isang anak ng dating mag-asawang Vilma Santos at Edu Manzano, ngayon lamang na-realize ng TV host, actor, celebrity endorser, entrepreneur at vlogger na si Luis kung gaano pala kasaya ang maging isang ama.

Gaano man siya ka-busy sa kanyang showbiz commitments, endorsements at negosyo, he makes it a point na parati siyang may oras sa kanyang mag-inang Jessy at Baby Peanut or Baby Rosie at nakasubaybay siya sa mahahalagang kaganapan at mga pagbabago ng kanilang baby habang lumalaki na mini-me ng kanyang ina, ang Star for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos-Recto.

Samantala, planong mag-comeback sa kanyang showbiz career si Jessy sa pagpasok ng 2024 at ito’y may basbas ng kanyang mister na si Luis. Kapag may work pareho sina Luis at Jessy, iniiwan nila ang kanilang anak sa lola nitong si Vi.

Plano ng mag-asawang Luis at Jessy na mag-produce ng isang TV sitcom na pagsasamahan nilang tatlo ni Vi.

Excited si Jessy na makatrabaho ang kanyang mother-in-law either sa pelikula o telebisyon dahil tiyak daw na marami siyang matututunan dito.

Mga anak ng That’s... Star, sasabak sa showbiz

Isa nang successful businesswoman ang dating miyembro ng youth-oriented program na That’s Entertainment ng namayapang star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno na si Charo Laude na naging miyembro ng Monday group ng nasabing programa.

Kahit matagumpay na siyang negosyante, hindi pa rin tinatalikuran ni Charo ang kanyang passion in singing and acting.

Kamakailan lamang ay ni-launch ni Charo ang kanyang pinakabagong Christmas song na pinamagatang Sa Paskong Ito na nakalabas na sa Spotify at sa iba pang music digital platform. Nung 2020 ay ni-remake niya ang awiting pinasikat ng yumaong singer na si Susan Fuentes, ang Miss Kita Kung Christmas.

Si Charo ay naging candidate ng Bb. Pilipinas in 1998 but it was in 2019 nang makuha niya ang korona ng Mrs. Universe Philippines at naging kinatawan sa Mrs. Universe pageant na ginanap sa Guangzhou, China nung December 2019. Kasunod na rito ang kanyang pagiging National Director ng Mrs. Universe Philippines.

Maaga mang nag-asawa at nahiwalay, she is blessed with two lovely daughters na sina Yna Angela at Yza Thalia na parehong nagmana ng ganda at talino sa kanya. They also both sing.

Ang panganay na si Yna ay nagtapos na cum laude ng Entreneurship sa UST habang graduating naman ng Business Management (also in UST) si Yza.

Ang dalawa ay nagpahayag na rin ng kanilang intension na pumasok ng showbiz sa taong 2024.

LUIS MANZANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with