Anak ni Jobelle, nagtapos ng double degree

Masaya ang Las Vegas, Nevada, USA-based actress na si Jobelle Salvador sa pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang bunsong anak na si Julina Salvador (courtesy of her Japanese businessman ex-boyfriend na si Kurita san).

Si Julina ay nagtapos ng double degree in Bachelor of Science in International Business and Marketing at the University of Nevada in Las Vegas.

Although hindi nakadalo ang biological father ni Julina (na nasa Japan), kasama ni Jobelle ang kanyang panganay na si Miko na um-attend sa graduation ceremony ni Julina.

Si Miko ay anak ng aktres sa dating broadcaster and media person na si Erik Espina ng PTV4. May mga lumabas na balita noon na si Robin Padilla umano ang ama ni Miko na hiwalay na sa kanyang American ex-girlfriend kung kanino siya may isang two-year-old son na inaalagaan ngayon ni Jobelle.

Sa Las Vegas man nakatira si Jobelle, bukas ito sa paggawa ng film and TV project sa Pilipinas where she maintains a condo unit in BGC. Meron din siyang mini-maintain na condo unit in Roppongi, Tokyo, Japan.  Habang siya’y nasa Las Vegas ay ini-enjoy niya ang pag-aalaga sa kanyang unang apo.

Breakups at pagkamatay ng mga celeb, nagpalungkot sa 2023

Malungkot na magtatapos ang taong 2023 dahil sa maraming celebrity couple breakups na nangyari na pinangunahan mismo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla maging ang sunud-sunod na pagyao ng mga kilalang personalidad sa showbiz na ang pinakahuli ay ang veteran actor na si Ronaldo Valdez na sumakabilang-buhay nung nakaraang Dec. 17, 2023.

Ang iba pang kilalang personalidad na yumao this year ay ang veteran broadcaster na si Mike Enriguez, si Jose ‘DJ Richard’ Enriquez, ang actor na si John Regala, ang veteran entertainment media journalist na si Manay Ethel Ramos, ang entertainment broadcast journalist na si Mario Dumaual, ang nobelistang si Lualhati Bautista, ang actor-director na si Jun Urbano, ang veteran actress na si Angie Ferro at ang aktres na si Angela Perez at iba pa.

Sa taon ding ito namayapa ang iba pang kilalang personalidad mula sa ibang sektor tulad ni dating MMDA chairman at politician na si Bayani Fernando, ang Cabinet Secretary na si Toots Ope, ang dating undersecretary na si Martin Diño, ama ni Liza Diño, ang dating Chief of Staff at senador na si Rodolfo Biazon among others.

Gayunpaman, patuloy ang buhay and looking forward to a brighter 2024 ahead.

Show comments